Him
Kontento na akong tignan siya, kapag hindi siya nakatingin.
Ma-amuze sa kagandahan niyang angkin ng palihim;
sarilinin ang nakakabaliw na sikdo ng dibdib at kaba,
sa t'wing magtatagpo ang aming mga mata.
At para iwas awkward, idadaan na lang sa tawa sa sandaling nagtanong siya.
Sabay idadaan sa biro na, "Bes, ang pangit mo pala!"Her
Takot.
Takot akong siya ay mawala, kaya pinipigalang mahulog.
Pinipigilan ang bawat sinok ng puso kong sabik sa mga yakap niya't haplos;
Haplos...
na higit pa sa kung ano kami,
sa kung ano'ng meron sa pusong ito na pinipilit isantabi—
dahil nga magkaibigan kami.Takot... na masira ang lahat, kung itong lihim na pagtingin ay maibunyag;
at sa pagkakaibigan kami'y lumagpas.
Kaya... idadaan na lang sa buga ng hangin na marahas,
sabay sigaw ng malakas."Mas pangit ka, gago!"
Na taliwas sa sinasabi ng isipan ko, ikaw ang pinakagwapong lalaki sa buhay ko.
****
![](https://img.wattpad.com/cover/67576341-288-k926963.jpg)
BINABASA MO ANG
Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)
PoesíaSalita Agam-agam Konsensya Damdamin Katha ...sa pluma ko't tinta.