HHCollaboration with @humeyesu under ADNTinta Harot Huwebes Team.
***
Sa iyong silid tayo'y naririto. Magkaharap habang mga sarili'y pinatutuyo.
Mga labi mo heto't nanunudyo.
Ako tuloy ay hindi mapakali sa aking pagkakaupo.Ito'y sarili kong kwarto subalit bakit nahihiya?
Ramdam ko tuloy ang aking pamumula
Habang nakaupo sa iyong harapan tayo'y nagpapakiramdaman
Pagsulyap-sulyap sa isa't-isa ng mataman.Sa bawat pagkurap
Ng iyong mga matang mapupungay at iindap-indap.
Ako'y tila inuugoy nito pataas sa alapaap.
Kaya tuloy eto't sa iyo'y napayakap.Sa pagyakap mo ako'y napasinghap.
Unti-unting napalitan ng init ang lamig nang sandaling malanghap.
Ang samyo ng iyong hininga na nakakahibang.
Kaya't pagtitimpi ko'y nawala na ng tuluyan.
At ibabang labi mo'y aking pinanggigilan.Ika'y aking pinangko tungo sa iyong malambot na kama.
Iginiya ang ating katawan pahiga
habang hinalikan ka...
mula sa iyong mga labi, sa leeg pababa.'Di napigilan ungol ay lumabas napahagod sa iyong likod tila pagkalabit sa kwerdas.
Mga labi mo'y padampi-dampi sa aking magkabilang pasas.
Habang mga kamay na malikot iba naman ang hinihimas.Ako'y saglit na natigilan sa pagyapos.
At maging sa mamasa-masang halik padausdos.
Nang inisa-isa kong tinanggal ang iyong suot at aking saplot.
Lamig sa atin ay lalong nanuot.
Ngunit may isang nanabik at di mapigilang kumislot.Hangad ng katawan ay hindi na ikinaila.
Sumunod, umayon, nagpaubaya.
Init sa kaibuturan ay tuluyan ng kumawala.
Nang maramdaman ka sa pagitan nitong magkahiwalay na mga hita.Ang marahan ay bumilis kalaunan.
gumiling ka salubong sa indak ng aking katawan.
Hanggang sa init ay wala ng mapagsidlan.
Maging mga daing na salitan
nang kapwa natin narating ang sukdulan.
![](https://img.wattpad.com/cover/67576341-288-k926963.jpg)
BINABASA MO ANG
Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)
PuisiSalita Agam-agam Konsensya Damdamin Katha ...sa pluma ko't tinta.