Tapos na...
Tapos na tayo.
Mga salitang paulit-ulit kong isinisiksik sa utak ko,
subalit umaagos lamang ito kasabay ng aking dugo.
Nagpapatianod sa aking mga ugat, hanggang sa marating ang aking puso.
Doon, ito'y hihinto.
Saglit na magbabara.
Isusuka ng puso, sisingaw sa bibig bilang buntong hininga.
O 'di kaya'y mga luha sa magkabilang mga mata.
Mga luha...
na nagsasabing hindi ko kaya.
Hindi ko pa kaya.
Hindi ko pa matanggap na wala ka na.
Wala ka na...
At sumuko na.
Na sa ganoon na lamang nagtapos ang iyong pagsinta.
Na sa ganoon na lamang tayo nagtapos.
Na hanggang dito na lamang tayo.
Umpisa sa tuldok.
Magtatapos sa tuldok.
Pag-asa na kasing pino na lamang ng alikabok.
Sapagka't hindi na ako...
hindi na ako ang siyang tinitibok
Ng iyong pusong marupok.
BINABASA MO ANG
Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)
PoetrySalita Agam-agam Konsensya Damdamin Katha ...sa pluma ko't tinta.