Pebrero trese, limang minuto bago maghatinggabi, dinalaw kita.
Ako'y tila isang anino na sumasabay sa ihip ng hangin papasok sa nakaawang mong bintana.
At heto sa iyong pagkakahimbing ay pinagmamasdan ka.
Hindi pa rin kumukupas ang iyong ganda. Nakangiti ako habang binabalikan sa isipan ang ating masasayang alaala.
Mga alaalang mukhang binabalikan ko na lamang ng mag-isa.
Nawala na 'yung tayo, dahil may namagitan sa "ikaw at ako".
Mga pangako na bigla nalamang naglaho. Dahil ano?!
NILOKO MO 'KO!'Yung kaninang ngiti sa mga labi ay napalitan ng ngitngit.
Pinaghalong lungkot, pait at galit.
Hindi pwedeng ako lang ang miserable.
Hindi mahal, hindi ako makakapayag - hindi maaari!
Kaya kung hindi ka magiging akin,
ay hindi ka mapupunta sa kanya.
Akin ka lang mahal, at hindi sa iba.
Kaya sige...
Ngumiti ka habang sa panaginip mo'y naroon siya.
Ngumiti ka dahil hanggang sa panaginip na lamang kayo magkikita.
Ngumiti ka habang pinapatay kita!Pebrero trese, limang minuto bago maghatinggabi, dinalaw kita.
Habang tila anino na sumabay sa hangin papasok sa nakaawang mong bintana.
Dala ang siyam na pulgadang labaha sa aking bulsa.
Nakataas sa ere habang sa pagkakahimbing ay pinamamasdan ka.
May mala-demonyong ngiti sa mga labi habang binabalikan sa isipan ang ating masasayang alaala.
Mga alaalang pagkatapos ng gabing ito'y hindi ko na rin mababalikan pa.
Dahil walang saysay ang namagitan sa "Ikaw at Ako."
Dala ng mga bigong pangako mo!
At dahil niloko mo ako?
Quits na tayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/67576341-288-k926963.jpg)
BINABASA MO ANG
Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)
PoetrySalita Agam-agam Konsensya Damdamin Katha ...sa pluma ko't tinta.