Harot Huwebes Prompt: Smeared Lipstick
*credits to the owner of the pic used.
***
Mula sa malayo ay tanaw ka
Sadyang walang kawangis ang iyong ganda
Sa iyong bulaklaking bestida
At lipstick na pula
Mga mata kong ito'y nabihag mo, sinta.Kumaway ka't ngumiti habang papalapit
Tibok nitong puso'y tila musikerong umaawit
Ni hindi magawang kumurap o kaya'y pumikit
Sapagka't sayo'y labis na naaakit.Nang makaharap ka na
mga dila'y nalunok na ng kusa
Ni hindi na nagawang makapagsalita
Nang sandaling ibulong mo ito sa aking tenga, "Mahal, lipstick ko ay makapal yata, pakibawasan nga?"
BINABASA MO ANG
Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)
PoetrySalita Agam-agam Konsensya Damdamin Katha ...sa pluma ko't tinta.