Hiling...

38 2 0
                                    

Kanyang mga mata’y nakatuon sa gawing kanluran,
nakangiti habang nakatunghay sa bughaw na kalangitan.
Pinagmamasdan ang gintong sikat ng araw,
habang mga paa’y sa tubig dagat nakatampisaw.
Bigla siyang napayakap sa sariling katawan,
nang sandaling kirot sa dibdib ay naramdaman.
Batid niyang malapit na ang oras ng kanyang pamamaalam
ngunit magkagayun man;
Tatlong kahilingan ay taimtim niyang inusal.

“Sana tangayin ng hangin, itong aking hiling.
Upang marinig mo itong impit na halinghing.
Higpit na yakap ko sana’y iyong madama.
At maintindihan kung bakit kailangan kong iwanan ka.
At sana...sana, kung nasaan ka man ngayon, sinta.
Makarating sa iyo, na mahal pa rin kita.”

Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon