Hugot mula sa kantang "Sandali na Lang" ni Eurika (music video at media box)
***
Pasensya ka na...
Pasensya na, kung may mistulan pa ring pader sa pagitan nating dalawa;
'di makausad, 'di makalapit,
hindi magtagpo kahit ano'ng gawing pilit;Pero sana...
makapaghintay ka pa.
Gustuhin ko man na ngayon na,
subalit ako'y hindi pa buo at handa.
Sana...
huwag kang susuko, mapagod o manglumo;
pag-ibig mo sana'y hindi magbago at maglaho.
Mamahalin din kita 'yan ay pangako.
Pangako, kapag ang SIYA ay tuluyan ng naglaho sa isip at puso.Maghihintay ka pa rin, 'di ba?
Aasa akong makakapaghintay ka pa.
Nandiyan ka pa rin sana, kahit batid kong ika'y nagdaramdam na.
Magiging sa 'yo rin ako, 'wag kang mag-alala.
Sandali na lang—
Sandali pa... malapit na ako, makakalimutan ko na SIYA.

BINABASA MO ANG
Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)
PoesíaSalita Agam-agam Konsensya Damdamin Katha ...sa pluma ko't tinta.