Chapter 1

74 2 0
                                    

Seri's POV

" Hello everyone, this is Seri your daily beauty expert! Today's make-up concept is---- HOT SUMMER LOOK. Let's start!", I paused the video and change the angle of the camera. I'm shooting another make up tutorial today coz our teacher was not around and I got bored so ..

" Let's put this primer all over your face. Then after that, apply BB cream. Use this sponge to spread it evenly on your face. I will use this brush for face powder to give a matte feeling. Don't forget to hide blemishes and eye circles using this etude house concealer. Now let's move on to the eyes. I'll use this naked pink eye shadow to add more natural look. Next, apply a very thin eyeliner on the waterline to make your eyes look bigger. And the last but not the least , this lipstick from Moonshot. Apply it all over your li---"

"SERI !!"

"Anak ng --!", muntikan ko nang maitapon yung lipstick ko nang  may sumigaw ng pangalan ko. Lumingon ako at nakita si Jinx---yung kaibigan kong slow--- na halos madapa kakatakbo palapit sakin. Nagkagulo-gulo na din yung mga arm chair na dinadaanan niya.

" Anong sinisigaw sigaw mo diyan?! ", inis na sabi ko pero parang wala lang sa kanya ang pagkainis ko. Panira 'tong babaeng 'to. Hinila-hila niya yung laylayan ng uniform ko saka sumigaw muli , " Yung ranking Seri yung ranking!! Nakita mo na !?" Takte! Balak ba niyang sirain ang pandinig ko?

"Mukha bang nakita ko?", pilosopong sabat ko.

"Huh ?! Oo ako 'to Seri .", nagtaka ako saglit." Mukha ni Jinx yung nakikita mo! Bakit malabo na ba mga mata mo?", Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa reaksyon niya. And there she goes again. Nagsisi ako bigla na nang-uyam pa ako sa babaeng 'to, sana sinagot ko na lang ng diretso nang hindi na umiba pa ang pagkakaintindi niya.

"Ano na sasabihin mo tungkol sa ranking?", diretsong tanong ko.

" Top 99 out of 100 ako ! Whaaaa! May mas mangmang pa kaysa sakin ! Grabe ang saya ko!", halos mangiyak sa tuwa si Jinx habang nagsasalita. I'm glad na for the first time umangat yung rank ni Jinx. She's always at the bottom spot . No wonder because she just sleeps or rolls a die during exam. Palibhasa anak ni Mrs. Ashton , yung may ari ng school kaya impossibleng ma drop-out siya.

" Well , dope rank.. Congrats!", I sarcastically said.

"Hindi ka ba curious kung anong rank ka?", she asked me. It's not that I'm not curious , hindi lang talaga ako excited. Tsaka ba't pa ako makipagsiksikan dun eh makikita ko din naman niyan mamaya.

" You can tell me now if you saw it , if not I'll go check later.", bored kong sagot saka binalik yung atensyon sa ginagawa ko kanina.

"Fuc--", muntik na akong mapamura ng hinampas niya yung arm desk gamit ang kanyang palad kaya nabaling yung atensyon ko. Pati na yung ilan kong classmate na nasa loob ng classroom ay napatingin din. Saka bigla nanamang sumigaw ang gaga,  "Top 1 KA SA BUONG STEM Class ! Whaaaa! ", niyuyogyog niya ako habang patalon talon . Akala niya nama'y siya yung naka top 1 kung makatalon at makasigaw siya.

" Congrats Seri!", bati ng iba ko pang kaklase. Nagsmile lang ako at nag bow ng kaunti. Di din naman kasi big deal sakin yung ranking. Yung mahalaga eh makatapos ako ng pag-aaral at maging isang mahusay na neurosurgeon.

Patuloy na niyuyogyog ni Jinx yung balikat ko dahil sa excitement habang si Sheen ay nasa harapan ko na tuwang tuwa din. Minsan lang talaga magsalita yang si Sheen, ewan ko ba't nagtitipid ng laway yan. Baka nilalaan niya sa magiging ka french kiss niya sa huli.

* BANG! *

Nabaling ang lahat ng atensyon sa pintuan ng biglang pahampas na binuksan ito ng hindi ko pa matinag na mukha. Galit ba ang taong 'to?

FEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon