Chapter 7

39 2 0
                                    

Jay's POV

"Pagsisisihan mo talagang minura mo lang ang isang Jay Han Skawngur. Maswerte ka nga't ginto itong puso ko at tinutulungan ka ngayon ni hindi ko alam kung sino ka at kung normal ba yang pag-iisip mo. Tsaka hindi ako ordinaryong tao lang na makakasalubong mo araw-araw , si Jay Han Skawngur ako , si JAY. HAN. SKAWNGUR!", para akong baliw na nagrereklamo habang nagdradrive at nasa tabi ko itong babaeng baliw kanina na wala pa ding malay.

Diretso lang akong nakatingin sa daan at mas binilisan ang pag drive nang makarating na kami agad sa hospital. Kailangan ko pang matulog at hindi ko alam ba't ko pa tinutulungan ang babaeng 'to. Siguro nga't ipinanganak talaga akong gwapo at pinalaki ng mga magulang ko na mabait.

"Dad... Please.. Nasasaktan ako...", napalipat ang tingin ko sa kanya nang magsalita ito pero nakapikit pa din mga mata niya at ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses.

"Miss okay ka na ?", tanong ko at inilipat ang tingin sa daan baka lumagpas na kami. Nang hindi siya sumagot ay binalik ko ang tingin sa kanya . Nakapikit ang kanyang mga mata pero may namumuong luha sa mga ito. Wala pa siyang malay pero mukhang nananaginip pa ito.

Pinark ko ang sasakyan nang makarating kami sa harap ng hospital. Isinuot ko muna itong cap ko atsaka facemask na binigay sakin ni Jacob noong isang araw. Buti na lang at nandito pa yun sa sasakyan.

Lumabas ako binuksan ang kabilang pinto. Kinuha ko ang seatbelt niya saka binuhat ng bridal style. "Ang bigat pala ng babaeng 'to.", reklamo ko habang buhat buhat siya. Payat nga siya pero siguro dumagdag ang height niya sa bigat nito. And honestly, she can be a model. Perfect ang height niya para sa isang model at maganda din naman siya, kung wala lang sanang sira ang utak nito.

Tumungo na ako sa emergency room at agad naman kaming inalalayan ng mga nurse.

"Ano po nangyari sa kanya sir?", tanong nang isang nurse na nagtuturo sakin ng daan. Hindi ko pa siya sinagot dahil mabilis akong naglalakad. Pinahiga ko  na siya nang marahan sa hospital bed.

"Ouch..", mahinang tugon ko habang minamasahe tung balikat ko dahil sa pagpasan ko sa babae.
Nagsilapitan ang ibang nurse para check upin siya at yung isang nurse ay tinanong ako muli.

"Ano po ang nangyari sir?"

"Nahimatay lang yan dahil sa matinding emosyon.", mukhang hindi kontento ang nurse sa sagot ko at nagtanong ulit.

"May sakit po ba siya sa puso?"

"Hindi ko alam", walang ganang sagot ko dahil nagmamadali na akong umuwi. Ni Hindi ko nga kilala yan.

"Boyfriend po ba kayo ng pasyente?"

"She's not even my friend.  So kayo na lang bahala sa kanya, ito ang wallet niya baka may ID diyan, tawagan niyo na lang mga magulang niya.", sabi ko at inabot ang wallet nito na nahulog kanina sa sasakyan.

Akmang aalis na ako nang pigilan ako ng isang nurse.

"Paki fill up na lang po nito para sa identity niyo. ", inabot niya sakin ang isang papel at ballpen.

Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin identity ko dahil malaking isyu iyan. Baka gawin pang dating scandal itong ginawa kong pagmamagandang loob. Alam mo naman mga tao ngayon, lahat na lang bibigyan ng malisya.

"Kailangan pa ba ito?", tanong ko.

"Yes sir. Kayo po kasi ang witness nang nangyari. At para na din mapa salamatan ka ng pamilya nito sa pagligtas sa kanya." Nabuntong hininga na lang ako at agad kong kinuha iyong papel at ballpen nang matapos na.

FEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon