Chapter 14

30 1 0
                                    

Seri's POV

"Teka asan si Junjun?",tanong ko at palinga-linga pa dahil baka andito lang sa gilid yun.

Agad akong napatago sa likod ni Doc ng lumapit si Jay saamin. Pero si doc lang yung kinakausap niya at parang invisible lang ako dito. Kailan pa sila naging close? Parang kanina lang naman nagkita ang dalawang 'to ah?

"Sorry if I call you",panimula ni doc saka ngumiti pa. Hindi ko alam kung totoo pa yun o sarkastiko. At teka, tinawagan niya si Jay? Kailan pa? At bakit?

"It's okay, tapos na din naman ako sa business ko with Mr.Kaizer. Bakit kayo napatawag and paano niyo nakuha number ko?",sagot ni Jay. Actually yun din ang tanong na pumasok sa isip ko.

"Kay Seri.",biglang napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Paano niya nakuha number ni Jay sakin? Wala naman akong matandaan na binigay ko sa kanya yun.

"Ah. Is there a problem?",tanong ni Jay.

"Well I guess alam mo na ang tungkol sa sakit ni Seri,right?",tumango si Jay sa tanong ni Doc. Bakit ba nila pinag-uusapan yung sakit ko?

"Can you keep it a secret?",tanong ulit ni Dr.Jung. Hindi ako nag react dahil sang-ayon ako sa ideyang yun.

"Wala naman akong balak ipagsabi yun dahil wala naman akong pakialam dun and it won't do any good to me if I spread it."

"I mean keep it a secret even to yourself",pag-iiba ni Doc. Napakunot-noo si Jay at ganun din ako.

"What do you mean? Paano ko gagawin yun?",takhang tanong ni Jay. Oo nga possible nga ba yun?

"Kalimutan mong may nalaman kang ganoong sakit at kalimutan mo din na may phobia si Seri. Everything that you knew about her,forget it."

"You know, honestly this is weird.",sagot ni Jay at napakamot pa ng batok.

"What's weird?",seryosong tanong ni doc.

"Kayong dalawa! Ang weird niyo pareho. Paano ko makakalimutan yun? Iinom ako ng forgetting pills tapos ano makakalimutan ko din na may concert pala ako? O magpapabangga ako sa kalsada para magkaamnesia ako at makalimutan lahat ng yan? Tss. Pero di nga nag-eexist ba yun?",ani ni Jay kaya napabuga ng hangin si Doc. Ang daming sinabi ng lalaking 'to. Pareho ko silang hindi manitindihan. Ito kasing baklang doctor ko kung magsalita maikli lang pero hindi mo pa agad ma gets dahil napaka-indirect masyado, ba't di na lang naging writer 'to? At ito namang matangkad na gwap--I mean lalaki, napakadaming sinasabi kaya lalo lang akong nalilito kung ano ba talaga point niya.

"Yes,it does.",tipid niyang sagot sa mahabang tanong ni Jay.

"So yun lang ba sadya mo at tinawagan mo ako ? Edi sana tinext mo na lang ako. ",reklamo ni Jay.

"I know you have lots of things to do and at the same time I know that you have plenty of questions to her so I will leave Seri to you. This will also a part of her treatment. And please pakihatid na lang sa kanya sa school pagkatapos niyong mag-usap.",pagkasabi niya nun ay pilit niyang tinatanggal ang kamay ko nakakapit sa damit niya.

"What the fvck are you doing?",mahinang tugon ko at mahigpit pa rin na nakahawak sa damit niya. Bahala siya, hindi ko talaga 'to bibitiwan. Ano akala niya, papayag lang ako na iwanan niya dito para kausapin ang matangkad na lalaking 'to?

"Bakit mo naman siya iiwan sakin? Nagtraining ako para maging artista ,hindi para maging yaya ng babaeng yan. Paano kung masamang tao ako?",wika ni Jay. Oo nga! Bakit ba ako iiwan ng baklang 'to dito para kausapin lang ang lalaking 'to? Kaya ko naman kausapin si Jay pero bakit kailangan niyang iwan pa ako dito?

FEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon