Seri's POV
Hindi ako makatulog , feeling ko kahit anong pwesto ay hindi ako komportable. Napatingin ako sa kisame at pilit kinakalimutan lahat ng nalaman ko pero hindi eh, mas lalo lang akong nasasaktan tuwing iniisip ko yun. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala.
Tumingin ako sa alarm clock sa tabi ko, alas 12 na nang gabi. Tulog na si Mommy at siguradong pati sina Jinx at Sheen ay ganun din. Gusto ko nang taong makausap pero tulog na silang lahat.
Bumangon ako at dumiretso sa kusina para uminom tubig. Nagbabakasakaling mapawi ang sakit pero ganun pa din , walang nagbago.
I still can't believe this fear is living inside me. I want to prove it myself if this phobia of mine really exist. And I will try to conquer this sh*t.
Hindi ko alam kung ano ang iniisip ko pero nagbihis ako para lumabas. Nagsuot ako ng itim na hoody at jeans.
This is the only time na naisip ko para makalabas ng bahay dahil siguradong hindi papayag si Mommy. Gusto kong maranasan mismo kung totoo ang phobia na ito kahit alam kong delikado lalo na't wala akong alam kung ano ang nangyayari sa labas at kung makakabalik pa ba ako ng buhay. Feeling ko bigla ako naging rebelde na anak.
Dahan-dahan akong bumaba at siniguradong walang magawang ingay dahil baka magising si Mommy. Nag-iwan pa ako ng note sa ref baka sakaling hindi na ako makabalik.
Maingat kong pinihit ang doorknob saka dahan-dahang lumabas. Inakyat ko lang yung gate dahil nasa kay Mommy ang susi kaya wala akong choice. Nang makalagpas na ako ay mas lalo na akong kinabahan. Gusto kong wag na lang ituloy pero nandito na ako kaya wala nang atrasan.
Naglakad ako at sinusundan ko lang ang mga posteng umaandar dahil hindi ko din naman alam kung saan ako dadaan. Habang lumalayo ako sa bahay mas lalo akong kinakabahan. Isinuot ko yung hood sa ulo ko baka sakaling maibsan ang takot.
*Meow"
"SH*T!", halos tumalon ako ng may dumaang pusa sa harap ko. Napahawak ako sa dibdib dahil sa kaba "Punyeta kang pusa ka",bulyaw ko bago nagpatuloy sa paglakad.
Nakarinig ako ng mga sasakyan kaya sigurado akong nasa labas na ito ng subdivision. Ang goal ko lang naman dito ay makahanap ng lalaki at makumpirma kung takot ba talaga ako sa kanila. Pero mukhang walang tao dito kaya tumungo pa ako.
Nakasalubong ako ng isang babaeng medyo may kaidaran na. Nagtanong ako dun.
"Excuse me po.. Saan po dito maraming lalaki?", nagulat siya sa tanong kong iyon.
"Hay nako mga kabataan nga naman ngayon. Kaya maraming nagkakabuntis ng maaga eh.", nilagpasan niya ako ng hindi sinagot ang tanong ko. Nagtatanong lang kung saan maraming lalaki buntis agad? Napakajudgemental naman ng babaeng yun. Kung hindi lang siya higit na matanda sakin baka nasapak ko na yun eh. Napailing na lang ako saka tumungo.
Hindi ko alam kung saang parte ng mundo na ako at patuloy padin naglalakad. Wala pa akong may nakitang lalaki. Siguro dahil masyado nang gabi, eh sino ba naman lalabas ng ganitong oras?
Saglit akong umupo sa waiting shed dahil pagod na ako kakalakad.
Tinititigan ko mga dumadaang sasakyan. Buti pa sila malayang nakakatakbo kahit saan. Lumipat ang tingin ko sa kalawakan, "Whaaa" napakaganda ng mga bituin. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong kasiyahan kahit nakaupo lang ako dito at nagstastar gazing. Ang sarap sa feeling na makalanghap ka ng hangin sa labas kahit puro usok ng sasakyan iyon.
BINABASA MO ANG
FEAR
Fanfiction"Love something you are afraid of and you will feel better..." If you are Claustrophobic, would you love to stay in a confined space? If you are Acrophobic, would you love to ride a giant ferris wheel? If you are Hydrophobic, would you love to div...