Chapter 13

36 1 0
                                    

Jays POV

"Ate?", napalingon ako ng may magsalitang lalaki sa likod ko. Bigla akong umayos dahil si Mr.Kaizer Biblee iyon, siya yung sikat na pianist sa Korea na magtutogtog sakin sa upcoming concert ko. It's an honor for me to have him in my concert.

"Oh good morning Mr.Kaizer. Sana nagtext kayo na nandito na kayo. Let's talk there,",turo ko sa malapit na bench",This area is quite inappropriate",pormal kong sabi kay Mr.Kaizer pero natigilan ako ng nakatulala lang siya habang hindi nakatingin sakin kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin at narealize kong kay Seri papunta ang mga tinging iyon.

"Magkakilala kayo?",tanong ko sa kanilang dalawa dahil nagtitinginan lang sila at walang nagsasalita. Pero kahit ni isang tinig ay wala kang marinig,nababasa ko sa kanilang mga mata na magkakilala silang dalawa.

Binaling ko ang tingin kay Seri na nakatulala rin.
"Seri okay ka lang?",tanong ko dahil mahigpit itong nakayukom habang pawis na pawis at hinahayaan nitong patuluin lang ang mga luha. Bigla kong naalala ang sinabi niya kanina na takot siya sa lalaki. Baka yun ang dahilan kung bakit siya pawis na pawis at mukhang pinipilit ang sarili na huwag matakot.

Bigla kong narealize na si Mr.Kaizer ang tinititigan niya at kaya bigla siyang nagkaganito dahil lalaki ito.  Mabilis akong lumapit sa kanya para takpan ang mga mata niya. Halata namang ikinagulat ni Seri ang ginawa ko pero imbes na lumayo ay ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata.

"Ah Mr.Kaizer maghintay na lang ho kayo dun sa bench, I'll just finish my business to this girl.",sabi ko habang tinatakpan pa din ang mga mata ni Seri. Hindi ko alam kung sino ang una kong i-entertain , itong VIP o itong babaeng nasa harap ko.

"Ate! Ako 'to, hindi mo ba ako naalala?",pag-iinsist nito at nagulat ako sa sinabing yun ni Kaizer. Teka ako ba tinutukoy niya---- Hell no?!? Magkapatid sila ng babaeng 'to? Wait, Kaizer Jun Biblee... Seri Keen Bib....lee? OMG magkapatid nga!

Walang nagbago sa reaksyon ni Seri sa pagdinig ng sinabi ni Mr.Kaizer kaya nagtaka ako kung totoo ba talagang magkapatid sila.

"Kapatid mo ba talaga siya?",mahinang bulong ko kaya Seri dahil sobrang lapit ko sa kanya pagkat tinatakpan ko pa din ang mga mata niya kahit nakapikit na ito. Tumango siya bilang sagot kaya dahan-dahan kong inalis ang kamay na nakatakip sa mga mata niya.

"Alam ba niyang takot ka sa mga lalaki?",tanong ko ulit dahil mukhang walang alam itong si Mr.Kaizer sa sakit ng 'kapatid' niya.

Umiling si Seri kaya napatingin ako sa kay Mr.Kaizer na clueless ang mukha. Yung gusto niyang yakapin ang babaeng 'to dahil mukhang matagal silang hindi nagkita pero hindi ko naman kayang hayaan yun dahil baka ano pa ang mangyari sa babaeng 'to.

"Ah, pasensya na Mr.Kaizer sa abala, doon na po tayo.",inilahad ko pa ang mga kamay ko.para ituro ang daan pero nakatingin pa din ang lalaking 'to kay Seri. Pano ba 'to?

"Uhmm.. Alam ko pong wala akong karapatan na sabihin ito pero wag na muna kayo lumapit kasi sadyang ayaw lang ng babaeng yan na may lumapit sa kanya na hindi niya kilala. May pagka-introvert po kasi. Sige na po doon na po tayo mag usap tungkol sa con----"

"Kapatid ko siya kaya alam kong kilala niya ako. ",wala sa sariling sabi ni Mr.Kaizer kaya hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko.
I don't even know why I'm doing this. This is none of my business anyway but...

"Ah, siguro nabigla lang siya kaya hindi ka pa niya natatandaan. Siguro ho ay doon na muna kayo at kakausapin ko lang siya.",ginawa ko ang makakaya ko kahit nakakasira na ng pogi points pero mukhang hindi nakikinig itong si Mr.Kaizer.

FEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon