Jay's POV
"Anong ginagawa mo?",walang ganang reklamo ni Jacob habang pinapasuot ko sa kanya ang face mask saka cap.
"Ikaw na makipagmeet kay Seri please, hindi na niya makikita ang mukha mo pagganyan",pagmamakaawa ko pero bored niyang tinanggal ang face mask saka nilipat niya iyon sa akin.
"Kahit halikan mo pa ako sa lips hindi ko talaga sasang-ayunan yang gusto mo",sagot niya saka siya tumalikod kaya pinigilan ko siya.
"Sige na please! Kahit pambayad mo na lang sa mga kalokohan mo na nagdulot din sakin ng problema",wika ko dahilan para humarap siya muli sakin.
"Alam mo kaya ko naman talagang makipagmeet sa Seri na yan eh pero ang hindi ko kaya ay itong itago ang pinagmamalaki kong mukha.", pagmamayabang niya at gusto ko sanang kontrahin yun pero wag muna dahil may kailangan pa ako sa kanya.
"Eh alam mo namang mukha ko ang nakita niya diba kaya kailangan mo talagang takpan yan"
"Kaya nga! Mukha mo ang nakita niya eh bakit ako ang makikipagkita?"
"Eh kasi nga hindi ako pwede!",para akong bata na nagtatantrums.
"Bakit hindi ka pwede? Dahil may schedule ka?",tumango ako sa tanong niya sabay nguso.
"Sabi ng manager mo hindi naman ganun ka importante yun.",teka pa'no niya nalaman?
"Pangalawa, dahil baka makita ka ng media at magdulot sa'yo ng issue?",tumango ulit ako sa pagpatuloy niya ng tanong.
"Kaya nga ginawa itong mask at cap para makapagtago ka. At walang tao sa lugar kung saan kayo magmemeet kaya ano pa ang nirereklamo mo diyan?", napahawak siya sa beywang niya habang sinisermonan niya ako. Mukhang nakuha niya na lahat ng dahilan ko at wala na akong lusot.
"Brad naman...",yun na lamang ang lumabas sa bibig ko.
"Wag kang pabebe diyan. Bakit ba ayaw mong makipagkita sa kay gandang babae? Baka magkasala ka?",sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. Pero saglit kong na internalize ang tanong na yun. Bakit nga ba kinakabahan akong makipagkita dun? Diba dapat siya ang kabahan dahil siya ang may atraso sakin?
Seri's POV
"Walangya ka! Pag may nangyaring masama sakin ikaw talaga sisingilin ko",reklamo ko habang nakaupo sa isang bench dito sa hindi ko malamang lugar. I've never been in this place before pero para lang siyang park na walang tao. Hindi ko alam kung bakit walang pumupunta dito kahit maganda naman ang lugar na 'to.
"Ofcourse.",sagot ni doc na nasa tabi ko habang hinihintay namin yung Jacob. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya pinansin yun at panay lang ang check ng relo nito.
"Alam mo bang magagalit si Mommy pag nalaman niya 'to? Dalawang araw na akong absent! At tignan mo, nakauniform pa ako tapos kailangan ko pang magsinungaling sa kaibigan ko na may sakit ako para ma excuse ako sa klase.",bulyaw ko.
"Hindi siya magagalit kapag i-eexplain ko sa kanya ito pero ang dalawang araw mong absent ay hindi ko na kasalanan yung isa.",sinimangutan ko siya.
"Eh kasi naman---", natigil ang pagsasalita ko ng may tumawag sa phone ko at si Jacob iyon kaya bigla akong kinabahan. Napansin din ni doc ang pagkatulala ko habang tinititigan lang ang nagriring na phone at walang ano-ano'y pinindot niya ang 'answer' kaya nagulat ako.
"Langya ba't mo sinagot?!", I mouthed and he just tell me nonverbally to answer the call.
Wala na akong choice kaya dahan-dahan kong itinapat sa tenga ko ang phone.
BINABASA MO ANG
FEAR
Fanfiction"Love something you are afraid of and you will feel better..." If you are Claustrophobic, would you love to stay in a confined space? If you are Acrophobic, would you love to ride a giant ferris wheel? If you are Hydrophobic, would you love to div...