Chapter 11

32 1 0
                                    







[CHARACTER CLARIFICATION]

- Dra. Samara at si Dr. Greyson Jung ay iisang tao lang.

A\N : Don't mind the pic that I used. Wala kasi akong makitang pic ni Gyun Sang na nakacrossed dress na pang doktor. ㅋㅋㅋ Oh siya patuloy niyo na bes, kung hindi pa kayo bored ~ :p

Seri's POV

"What the fxxk is happening?",kalmado kong wika pero parang nagrariot na ngayon ang utak ko sa sobrang gulo ng mga pangyayari.

Feeling ko pinaglalaruan ako ng mundo. Unang una itong phobia na hindi ko maimaging nag-eexist, pangalawa ang kapatid ko at ngayon ito? Yung girl crush kong doktor ay isa pa lang lalaki pero ang nakakapagtataka ay nakakausap ko siya ng maayos kahit na lalaki siya at ni konting kaba ay wala akong naramdaman. Namamalikmata lang ba ako or what?

"I told you, kaya mong makipag-usap dahil hindi mo ko naiisip as lalaki kundi nakikita mo pa rin sakin si Dra. Samara. But in this case, mas umiral ang pagkalito mo kaysa sa takot---"

"Exactly. And I still don't get it why is the joke always on me? Ano pa ang hindi ko nalalaman?",sinusubukan kong kumalma pero talagang naguguluhan ako sa mga nangyayari.

"Okay look...", tumabi sakin si Doktora--  I mean si Dr.Jung pero umusog ako para hindi kami masyadong malapit. Pansin niya naman ang pagkailang ko kaya napabuntong hininga siya saka nagsalita. "Sorry kung nagsinungaling ako. But do you think I can treat you if I'm a guy? I told your mom before to find you a female psychiatrist but she still wanted me to treat you because she trusted me so much. And ako mismo gustong gumaling ka. You are my first patient and I'm still not a veteran doctor but your mom trusted me so much so I accepted the offer as your personal psychiatrist. And I have to pretend as Dra. Samara to be able to treat you. "

Napatingin ako sa kanya matapos nitong magpaliwanag pagkat ramdam ko ang sensiradad sa mga salitang binibitawan niya.

"Pero ngayon na nakita mo na kung sino talaga ako, I'll give you the freedom to decide... Do you still want me as your psychiatrist?"

Diretso niya akong tinignan sa mata at seryoso ang mukha niya. Parang aso na nakapoker face. Napalunok ako dahil sa tanong na iyon. Hindi ko alam kung ano yung isasagot ko at kusang tumango itong ulo ko. Napalitan ng ngiti ang seryoso niyang mukha at nahawaan ako nun.

Ginulo niya ang buhok ko kaya medyo napayuko ako saka siya bumalik sa kanyang swivel chair.

"Pero bakit..."
Saglit lang siyang tumingin sa kanyang computer bago tumingin muli sakin at naghintay ng idudugtong ko. "Ang ganda niyo pong lalaki?",napatawa siya sa tanong ko. Huli na nang marealize kong out of the blue yung tanong na yun. Pero totoo naman kasi, hindi ko nga nahalatang lalaki ito maliban na lang siguro sa malalim nitong boses pero hindi namin yun naging factor para maghinala ako dahil may mga babae din namang malalim ang boses. Bagay na bagay sa kanya ang maging babae pero habang tinititigan ko siya, gwapo din pala siya kapag nakapanglalaki ang ayos.

"Narealize ko din yan habang nagsusuot ako ng wig but don't misunderstood, hindi ako bakla",paliwanag nito.

"Weh?",feeling ko kasi talaga bet na bet niya maging babae eh.

"Di nga ako bakla!",defensive niyang sagot.

"Eh ba't ka defensive?",mukha siyang mabangis na aso dahil panay ang pang-aasar ko sa kanya.

"Ewan ko sa'yo umuwi ka na nga", pagtataboy niya sakin saka pinatuloy ang kung ano man ang ginagawa niya sa kanyang computer.

"Hindi ako makakauwi kasi malalaman ni Mommy na hindi ako pumasok",tumakas nga kasi ako para makapunta dito.

FEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon