CHAPTER 17
Jay's POV
"Brad, kukunan mo ko ng ice o hahalikan mo na lang itong pasa ko?", utos ni Jacob na as usual ginawa na namang tambayan condo ko.
Tumayo ako para ibigay sa kanya yung ice na hinihingi niya. Hinagis ko iyon sa direksyon niya at nasalo din naman niya.
"Wow salamat ha. Sobrang na touch ako sa ice na ito. Malaking tulong talaga ito sa pasa na hindi naman dapat para sa akin. Tss", sarkastiko niyang sabi habang kinicold compress ang pisngi niya.
Sinapak daw kasi siya ni Kassy dahil sa pinayagan niya akong lumiban sa isang importanteng meeting. I didn't know Kassy would went that far. She must be really angry right now.
"Nasan si Kassy?", tanong ko.
"Brad, kung pupuntahan mo siya ngayon, sabihin mo na kung anong gusto mong theme at disenyo ng kabaong mo para ako ma bahala sa burol sakaling patayin ka niya.", biro ni Jacob. Mukhang galit na galit nga talaga si Kassy.
Kinuha ko phone ko nang bigla itong mag vibrate. Nakita ko ang message ni Mr. Yang.
[I need your answer about my offer Jay]
Muntik ko nang makalimutan ang dating scandal na prinopose sakin ni Mr. Yang. Napakamot ako ng ulo dahil sa dami ng pumapasok sa isip ko at hindi ko alam kung alin uunahin ko.
"Aba't mukhang stress na stress ka ha? Nakokonsensya ka ba na makita ang gwapo mong kaibigan na nagkapasa dahil sa'yo?"
Imbes na batokan siya tinignan ko siya na puno ng pagmamakaawa. " Brad, anong gagawin ko?"
"Ano pa? Edi magdasal na papatawarin ka pa ni Kassy"
"Hindi brad, yung dating scandal.", pagkasabi ko nun ay tinignan din ako ni Jacob na puno ng pagtaka. Hindi ko pa nasabi sa kanya ang deal ni Mr. Yang sakin. It's a choice between my career and my career. We'll in any way masisira talaga career ko kasi kapag hindi ako pumayag bibigyan ako ng napakahabang hiatus ni Mr. Yang until fans will forget that I exist and in the other way around, pag nalaman ng mga fans ko ang about sa dating scandal, they will throw hate on me and to that trainee. I can't still figure out what is Mr. Yang's plan since yung goal niya is to make the trainee popular but that goal might cause so much hate to the trainee and it does make her popular but in a bad way. Possible pang hindi na nila susuportahan ang bagong girl group because of a certain member.
****
"WHAT?! Nasa tamang pag-iisip pa ba yang CEO niyo? Eh kung sakin na lang kaya i ship yang si trainee na yan? Game ako basta maganda brad.", reaksyon ni Jacob matapos kong sabihin ang offer ni Mr. Yang sakin.
"She won't gain any if she will date you brad"
"She will. "
Napatingin ako kay Jacob at nag hihintay ng kadugtong sa sinabi niya.
"A baby", dugtong niya with a smirk. Hindi ako nag dalawang isip na ihampas sa kanya ang unan na nasa tabi ko. Tinawanan niya lang ako na parang tanga.
"I'm serious", medyo sumeryoso din mukha niya pagkasabi ko nun.
Umayos siya ng upo saka nilagay muna sa gilid ang yelo na hawak nito. Seryoso siyang nagsalita. "I have a better plan"
Hindi umiba expresyon ko at hinintay ko lang siyang magsalita.
"What if unahan mo si Mr.Yang", suhestyon niya.
"What do you mean?"
"Sabihin mo sa kanya na payag ka na sa gusto niya. Pero bago niya gawan ng article at ipakalat, gumawa ka ng eksena na magpapalito sa mga fans mo.", paliwanag niya ngunit hindi ko pa lubos na maintindihan ang sinasabi nito.
BINABASA MO ANG
FEAR
Fanfiction"Love something you are afraid of and you will feel better..." If you are Claustrophobic, would you love to stay in a confined space? If you are Acrophobic, would you love to ride a giant ferris wheel? If you are Hydrophobic, would you love to div...