Jay's POV
"Okay good!"
"Nice!"
Nasa photoshoot ako ngayon para sa poster ng upcoming movie namin ni Kassy Stewart. Ito yung first movie na main role ako. Dakilang second lead kasi ako palagi sa isang drama o pelikula. Yung palaging friend-zone ako sa istorya. But those were blessings in disguise because my popularity increased, so many fans want me to be the main role. And this is it.
"Jay try wrapping your arms to Kassy! ", utos ni Direk kaya ginawa ko.
"Closer!"
Umusog ako ng kaunti palapit kay Kassy.
"Now look at each other."
Nagtinginan kaming dalawa. Medyo naawkwardan nga ako. Kahit close friend ko siya, she's still a girl at hindi maiiwasan na hindi ka maawkwardan. But ofcourse I tried to be professional kaya hindi ko pinahalata ang awkwardness.
Sunod-sunod na click ng camera ang narinig. Marami na ding poses ang nagawa namin.
"Great job! Let's take a break first."
Sunod-sunod ang pagtakbo ng mga staff para asikasuhin kami. Yung isa ay pinupunasan ang pawis kong mukha yung isa naman ay inabutan ako ng mineral water saka pinaypayan.
*phone ringing...*
Dinukot ko yung phone ko sa bulsa. Sinagot ko iyon nang makitang si Jacob ang tumatawag. Ano na naman ba kailangan nito?
"Ano na naman?", sagot ko sa kabilang linya.
[Ano ba yan brad? Ba't hindi ka nag-hello muna. Napakaweird mong sumagot ng tawag. ]
Usually hindi naman talaga ako ganun sumagot, sa kanya lang talaga. Di din naman yun tumatawag kung walang kailangan.
"Yun lang ba sasabihin mo? Ibababa ko na 'to."
[Uy teka! Punta ka dito ngayon sa Stellars Cafe sasabihin ko yung gusto kong sabihing kasabihan.]
Ano kaya nakain nito at nambibwiset ng araw?
"May photoshoot pa ako. Mamaya na lang.", baka wala din namang silbi yang sasabihin niya. Papagalitan pa ako ni direk dito.
[Hindi brad ngayon na talaga! ]
"Eh sabihin mo na lang kaya ngayon! "
[Gusto kong harap-harapan. Namimiss ko na yung pogi mong mukha eh. ]
"Punyeta. Maghanap ka ng tomboy dyan !" Ibababa ko na sana pero ..
[Teka wait sandali ! Importante talaga 'to brad. Ngayon na talaga!]
"May shooting nga ako sabi."
[Tumakas ka muna ! Break niyo naman eh]
"Paano mo nalaman?", inilibot ko pa ang paningin ko baka sakaling nandito lang ang ugok na yun.
[Sasagot ka ba nang tawag kung nagshoshooting kayo ngayon?]
Oo nga naman no?
"Eh gaano ba ka importante yang sasabihin mo ha?"
[Mas importante pa sa photoshoot mo ngayon.]
"Siguraduhin mo ha! Pag ako niloko mo , magtago ka na."
*Call ended*
Hindi ko na siya hinintay sumagot at binaba na ang tawag. Paano ba ako makakatakas dito? Tumingin ako sa paligid at busy silang lahat kakaset-up ng set para sa susunod na shoot.
BINABASA MO ANG
FEAR
Fanfiction"Love something you are afraid of and you will feel better..." If you are Claustrophobic, would you love to stay in a confined space? If you are Acrophobic, would you love to ride a giant ferris wheel? If you are Hydrophobic, would you love to div...