CHAPTER 16
Seri's POV
***10 years ago***
Namulat ang mga mata ko pero wala akong makita. Madilim, masikip at hindi ako makahinga.Wala na din sa tabi ko si Junjun. Nasa loob ako ng cabinet at mukhang dito na ako nakatulog. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto para hindi magising si papa.Kinusot ko ang mga mata ko na puno ng luhang tuyo saka dahan-dahang lumabas. Lumakad ako palabas ng kwarto para hanapin ang kapatid ko.
"Junjun?",tawag ko pero wala akong sagot na narinig. Madilim sa loob ng bahay namin kahit hindi pa lumulubog ang araw kaya kinapkap ko lang mga dinadaanan ko. Nagulat ako ng nahulog ko ang isang picture frame at narinig ko ang pag-ungol ng aking ama na mukhang na distorbo ko sa pagtulog. Mas dumoble ang kaba ko tuwing nararamdaman ko ang presensya niya. Hindi ko siya nakikita bilang ama , paningin ko isa siyang halimaw na gustong saktan kaming lahat dito kaya naman takot na takot ako sa kanya. Binilisan ko ang paglakad hanggang sa naramdaman ko ang pinto at agad akong lumabas ng bahay.
Takbo lang ako ng takbo na parang may humahabol sakin pero ang totoo ay wala.
"Junjun!!!"
"Nasaan ka na?",humagolgol na naman ako sa pag-iyak dahil nararamdaman kong mag-isa na lang ako at wala akong karamay.
"Junjun!!",paulit-ulit kong sigaw pero ni anino niya ay hindi ko makita. Nakatingin lang sakin ang mga kapitbahay. Yung iba tinatanong kung nawawala ba ako pero hindi ko sila sinasagot at iniwasan ko lang sila.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa isang lumang day care center. May lumang playground din katabi nito. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng makakita ako ng ibang bata na naglalaro. Medyo naiinggit nga ako sa kanila dahil masaya lang silang naglalaro at mahal na mahal sila ng kanilang mga magulang. Hindi nila ako pinapansin dahil abala sila sa paglalaro. Umupo ako sa isang side ng seesaw saka isinandal yung ulo ko sa handle nito. Pinikit ko ang mga mata ko habang pinapakinggan ang ingay at tawanan ng mga bata habang naglalaro.
Bigla kong ikinagulat ang pag-angat ng inuupuan ko kaya napaangat ang ulo ko at napahigpit ang kapit ko sa handle. Bumungad sa harap ko ang isang batang lalaki na umupo sa kabilang side ng seesaw na siyang dahilan kaya umangat ako. Humalakhak siya sa tawa habang ako'y halos mahimatay sa gulat.
"Hindi gumagana ang seesaw kapag ikaw lang mag-isa. Dapat may kasama ka",nakangiti niyang sabi na pati gilagid niya ay kitang-kita ko.Natahimik lang ako habang siya ay tinataas-baba yung seesaw. Nahawa ako sa mga ngiti niya at kahit konti ay nabawasan ang aking kalungkutan.
Matapos naming mag seesaw ay niyaya niya ako sa swing. "Tara, dun naman tayo!",excited na excited ito at hinila pa niya ako papunta doon. Napangiti lang ako saka umupo sa katabi niyang swing.
"Ikaw lang ba mag-isa? Wala kang kalaro?",basag niya sa katahimikan.
"Hinahanap ko ang kapatid ko.",sagot ko. Ang totoo nga niyan, medyo nakalimutan kong hinahanap ko pala siya.
"Bakit mo siya hinahanap? Wala ba siya sa bahay niyo?",umiling lang ako bilang sagot."Ano ba pangalan mo?", dagdag niya.
"S-seri..",nag-aalangan kong sagot. Ngumiti lang siya nang marinig niya pangalan ko.
"Dito ka ba nakatira? Mukhang ngayon lang kita nakita eh.",Tanong nito.
"Oo dito lang pero ngayon lang ako nakapunta sa lugar na'to. Palagi kasi akong nasa bahay."
"Siguro strikto yung daddy mo noh, kaya hindi ka niya pinapayagang lumabas?",sarkastiko akong ngumiti sa sinabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/97000435-288-k903845.jpg)
BINABASA MO ANG
FEAR
Fanfiction"Love something you are afraid of and you will feel better..." If you are Claustrophobic, would you love to stay in a confined space? If you are Acrophobic, would you love to ride a giant ferris wheel? If you are Hydrophobic, would you love to div...