Seri's POV
It's so dark. He is covering my eyes with his hands.
I don't know where am I but I just keep walking.
"Geez I'm tired. How long should I walk?", reklamo ko.
"Sumunod ka na lang. May surprise ba na sinasabi?", Jay responded.
"Alam mo ikaw, andami mong pakulo masyado. Parang birthday lang naman. It's not even my debut. Tss"
"First birthday mo ito na i-cecelebrate nating dalawa kaya sumakay ka na lang. Mas marami pa akong trip na baon sa'yo sa hinaharap."
"Nakakapagod naman maging boyfriend ang isang Jay Han Swangur", tumawa lng siya nang sabihin ko iyon.
"Malapit na tayo", wika niya habang ako'y wala paring clue kung saan na ito. Ramdam kong nasa labas kami at nasa mataas na lugar dahil sa malamig at malakas na hangin. Walang tao sa lugar kung saan kami ngayon dahil tanging tunog ng kuliglig at paghampas ng hangin lang ang maririnig.
"We're here."
Hay salamat. Akala ko isang kilometro pa lalakarin ko.
"Ready ka na ba?", tanong niya.
"Kanina pa", walang ganang sagot ko. Ngumisi lang siya saka nagbilang.
"1...2...3"
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko habang inaalis niya ang kamay niya sa mga ito.
"Wooooow", yun na lamang ang lumabas sa bibig ko.
Bumungad sa akin ang isang napakagandang view sa ilalim. Nandito kami sa isang tower at kitang-kita ko buong city sa ibaba. Para silang mga bituin na kumikinang sa dilim. Napakaganda. Parang gusto mo lang titigan ito ng magdamag. Nakakapagaan ng loob. Tila makakalimutan mo saglit lahat ng iniisip mo.
"You like them?", he asked.
Tumango na lang ako dahil hindi na ako makapagsalita.
"Beautiful, right?"
Tumango ulit ako.
"You know what's more beautiful?"
This time, I was distracted by that question. I think I already know what comes next to that. He keeps staring at me instead of the city lights. Biglang kumabog ang puso ko. Ilang beses ko nang makita ang banat na iyan sa mga pelikula at sa mga librong nababasa ko. Kahit alam kong ako tinutukoy niya, gusto ko pa ding marinig iyon para malaman kung gaano ba kaganda pakinggan yun sa personal.
"What?", tanong ko habang tinitignan siya sa mata. Hindi pa niya sinasabi, kinikilig na ako.
"Me", tinuro pa niya sarili niya sabay halakhak ng tawa. Letseng lalaking 'to napaka narcistic. Nasira tuloy imahinasyon ko.
"Akala mo ikaw noh?", tawang-tawa pa din siya habang ako'y nakasimangot na.Hindi ako nagdalawang isip na batukan siya.
"Aray!", reklamo niya sabay himas ng ulo nito.
"Ito naman! Joke lang hahahahaha syempre ikaw pinakamaganda sa lahat.", inakbayan niya ako habang sinasabi nun.
"Tss. Hindi naman ako pasok sa standards mo. Mas maganda pa din sa paningin mo si Kassy at yung ibang artista diyan.", Damn! That was too childish. I can't believe I am saying those words.
"I don't need standards. You are already enough. And I don't like someone just because of looks, dummy", sumimangot ako dahil sa last word. Pero nawala iyon nang halikan niya ako sa noo.
"I love you", he said.
BINABASA MO ANG
FEAR
Fanfiction"Love something you are afraid of and you will feel better..." If you are Claustrophobic, would you love to stay in a confined space? If you are Acrophobic, would you love to ride a giant ferris wheel? If you are Hydrophobic, would you love to div...