Chapter 5

47 2 0
                                    

Seri's POV

"Okay ka na ba talaga? Kaya mo na ?", nag-aalalang tanong ni Mommy sakin habang nilalagay niya ang backpack sa likod ko. Nahimatay lang naman ako, hindi na dengue para hindi ako makapasok ngayon. Siguradong marami na akong na miss na lessons kahit isang araw lang ako nag-absent.

"Alis na tayo.",walang ganang sabi ko bago ako naunang sumakay sa kotse. Sumunod na din si Mommy para ihatid ako.

Nagbabasa ako ng textbook habang papunta kami ng school para kung ano man ang namiss kong lessons atleast may idea ako at may isasagot ako sakaling may surprise quiz. You might call me genius but I'm not. I just like studying and I don't understand why most of my classmates hate it. Since I have nothing to do and I can't go anywhere , reading books made me explore the world.

"Seri nandito na tayo.", nabaling ang atensyon ko kaya napatingin ako sa bintana at nakita na nandito na kami sa tapat ng school.  Isinara ko ang libro at kinuha ang backpack ko sa likod saka lumabas na.

"Ingat!", pahabol na sigaw ni Mom at isinara ko na ang pinto para tumungo nang hindi pinansin si Mommy. It's not that I hate her, I just don't like cheesy things coz it sucks.

Pagpasok ko ng classroom agad nakaabang sakin si Jinx at Sheen.

"Welcome back Seri!", sigaw ni Jinx. Kung makawelcome naman tung isang 'to akala niya isang buwan akong hindi nakapasok. Hindi na umimik si Sheen at napangiti na lang ng makita ako. Pinulupot nilang dalawa ang braso nila sakin. Kung titignan mo parang mga anak ko sila dahil sa height ko.

Natanaw ko din si Jennifer na masama ang tingin sakin, sarkastikong ngumiti ako sa kanya at nilagpasan siya. Sigurado akong pinapatay na niya ako ngayon sa utak. I don't know why that b*tch hates me that much when I don't give a fxxk to her.  Well , she messed up the wrong girl.

Nagsi-upuan na ang mga kaklase ko ng dumating si ma'am. Inilibot niya ang kanyang tingin sa amin at nagsalita "Mukhang wala namang absent. Okay let's start, open your book to page 57."

Agad kong kinuha ang libro saka binuksan. Nagsimula ng mag lesson si Ma'am at ako naman ay tutok na tutok dun habang ang mga kaklase ko ay parang tutulo na ang laway sa kakatulog. Wala pa ngang kalahati ang lesson ay mukhang nananaginip na sila. At ito namang si ma'am ay walang alam sa sleeping party na nangyayari dahil mukhang nagbabasa lang ang mga ito pero nakapikit na pala ang mga mata.

"I want you to see this picture of Albert Einstein...", wika ni Ma'am saka itinaas ang isang poster. Nacurious din naman ako kasi never ko pang nakita ang mukha ni Einstein dahil walang picture ang libro na binabasa ko tungkol sa kanya. Halos lahat ng libro sa bahay ay walang picture. Talagang nag effort si Mommy maghanap ng puro words na libro kasi sabi niya mas maganda kapag pinapagana ang imagination.

"Seri pakipulot ng ballpen!", biglang utos ni Sheen na nasa tabi ko. Inilibot ko naman ang mata ko sa sahig para mahanap ang ballpen. Medyo kailangan pa iyong gapangin kaya napabuntong hininga pa ako at ginapang yun.

"Thanks..", sabi niya nung iabot ko sa kanya iyon. She sounds weird today.

Nang binaling ko na ang atensyon ko sa harap ay binaba na ni ma'am ang poster kaya hindi ko na nakita si Einstein. Sayang naman oh! Hindi naman kasi pwedeng sabihin kong itaas uli yung poster kasi high blood din tung guro namin. Baka masabihan pa akong hindi nakikinig. Di bale hihiramin ko na lang yun after class.

Kinuha ko na lang yung ballpen ko saka kinopya ang isinulat ni Ma'am sa pisara.

***

Nasa library kami ngayon kasi nagskip kami at medyo down ang mood ko kasi hindi ko nakita si Albert Einstein. Eh ito naman kasing si Sheen ay hinila ako agad pagkatapos ng klase na yun kaya hindi na ako nakaapproach ky ma'am. Di ko nga din alam ba't magskiskip kami eh wala naman pala kaming gagawin at muntanga din naman ako at sumama sa dalawang 'to.

FEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon