Chapter 9

34 1 0
                                    

Jay's POV

Nasaan na bang gagong yun? Nandito lang yun kanina eh. Palinga-linga ako habang patuloy na pumiperma sa mga poster ng mga fans dahil itong si Jacob ay bigla na namang nawala. Nais ko sanang ibigay sa kanya itong regalo ni Ms.Kramer na siyang pinakauna kanina sa linya kanina pa kaso nakalimutan ko sa sunod-sunod na pagperma. Kahit na para talaga sakin itong regalo , hindi ko din naman magagamit kaya sa kanya na lang. Alam kung gusto niya ito lalo na't galing kay Ms. Kramer.

Nagsasideline na naman kasi siya dito sa fanmeeting ko bilang staff na siyang nag-aalis ng mga O.A. na fans pero alam ko namang ginagawa niya ito para makahanap ng babae. To be specific , si Ms. Jei Sue Kramer. Nalaman niya kasing fan siya nakin kaya ayun nagsideline na naman.

"Pakihanap kay Jacob",bulong ko sa isang staff malapit sakin at agad naman niyang sinunod iyon.

Humarap na ako sa susunod na fan. Siya na lang yung natitira at umakyat siya ng stage kaya nginitian ko ito pero medyo weird ang isang 'to kasi wala lang siyang reaksyon sa pagngiti ko.

"What's your name?",tanong ko habang nilalatag nito ang poster para permahan ko.

"Jennifer Killian",she coldly said. Resting bitch face lang yung mukha nito di tulad ng ibang fans na abot langit ang ngiti pagkaharap ko.

Nagkibit-balikat na lamang ako saka pinermahan ang poster niya. Nginitian ko siya habang inaabot ang poster pero ganun parin expresyon nito.

"Can I borrow the pen?",walang emosyon niyang tanong.

"Ha? Oh sure" saka ko inabot sa kanya ang pen na ginagamit ko sa pagperma.

Bigla siyang may sinulat na 11-digit number sa poster saka inabot sakin iyon.

"That's my number. I love you",tugon niya bago bumaba sa stage. At ako ay natulala sa ginawa niya, ibang klase din siya eh. Nag 'i love you' siya sakin pero poker face lang yung mukha. Hindi ko alam kung fan ko ba talaga yun o napilitan lang siyang magpa-autograph sakin. Pero mukhang hindi naman autograph ang pakay niya kasi binigay lang niya sakin ang poster na pinermahan ko at may number nito. May topak ata ang babaeng yun.

Siya na yung last fan kaya tumayo na ako at nag-iwan ng closing remarks. Lahat sila nagpalakpakan saka na ako pumunta sa backstage. Nagsialisan na yung ibang fans pero meron din nagpaiwan dahil umasang lalabas pa ako. Yung iba ay nag-aabang sa sasakyan ko para dumugin ako mamaya.

"Brad!", biglang nagpakita si Jacob sa harap ko habang nandito ako nakaupo sa backstage at umiinom ng tubig.

"Saan ka galing kanina pa kita hinahanap?"

"Na miss mo naman ako masyado.",tugon niya bago umupo sa tabi ko. Hindi na ako nagreact sa sinabi niya dahil araw-araw niya namang ginagawa ang pagbabakla sakin.

"Oh",inabot ko sa kanya ang paper bag mula kay Ms.Kramer.

"Ano 'to? Kailan ka pa naging thoughtful?",agad niyang tinanggap yun saka sinilip yung laman. "Singsing? Magpapakasal na ba tayo?",dagdag niya habang minamasdan ang detalye sa singsing.

"Binigay sakin ni Ms.Kramer at naisip kita kaya sa'yo na yan?",wika ko. Gumuhit naman ang malapad na ngiti sa kanyang mukha.

"Ms. Kramer? Si Jei Sue?", tanong niya at tumango lang ako bilang sagot.

"Ba't mo naman naisip ibigay sakin 'to?"

"Akala ko ba type mo yung tao? Atsaka tanggapin mo na lang bago pa magbago isip ko. Couple ring ata yan eh kasi ganyan din yung disenyo ng suot niya kanina kaya hindi ko masusuot niyan kasi baka may magselos.",sagot ko.

FEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon