Seri's POV
"Seri okay ka lang? Kanina ka pa tulala", tanong ni Jinx na siyang umabot sakin ng ice cream. Tumabi siya sakin at sa kabila naman si Sheen.
"Ha? Ah wala", palusot ko saka tinanggap ang ice cream.
"Sana strawberry na lang binili ko", reklamo ni Jinx sa mocha ice cream nito na mukhang sarap na sarap din naman.
"by the way, bakit palagi tayong nagskiskip ng Calculus? Hindi ko pa tuloy na memeet ang bagong teacher na sinasabi niyo",pag-iiba ko tas dumila sa ice cream na hawak ko.
Nagskip na naman kami kasi at hindi ko maintindihan tung si Sheen kung bakit niya palaging gustong mag skip sa subject na yun. Yun pa naman ang pinakamahirap tapos may gana pa siyang mag skip.
Natahimik si Sheen, actually palagi namang tahimik yun pero ngayon parang may gusto siyang sabihin dahil napakagat siya ng labi. Ako nga din may gusto ding sabihin.
"May sasabihin ako", sabay naming wika ni Sheen kaya nagkatinginan kami.
"Ikaw muna", sabi niya.
"Hindi ikaw muna. ", wika ko pabalik. Ang totoo kasi, gusto kong aminin sa kanila ang sakit ko pero nag-aalangan ako dahil natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Hindi ko naman pwedeng isecreto na lang ito habang buhay , naghahanap lang talaga ako ng tamang timing.
"Ako na lang kaya mauna?", sabay naming tinignan si Jinx na nagsalita. Hinintay naming magsalita siya.
"Aabsent pala ako bukas", wika niya. Eh kahit present yan , mentally absent din naman.
"Bakit?",tanong ko.
"Aatend ako ng fanmeeting ni Jay my loves. At kung absent ako sa susunod na bukas, it means nabuntis na niya ako.", pangiti-ngiti niyang sabi. Seryoso kaming dalawa ni Sheen dito pero itong isang 'to , ilulusot talagang yang punyetang Jay niya.
"Sige. ", yun lang isinagot ko dahil di din naman ako interesado. "Ano na yung sasabihin mo Sheen?",inilipat ko ang tingin ko.kay Sheen na siyang nag-aalangan din sa sasabihin.
"Ha?Ah.. ee.. Ano kasi, Tungkol sa araw na nahimatay ka..",hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil mukhang alam ko na ang kadugtong. We're actually thinking the same.
"I know already.",mahinang tugon ko. Nakikinig lang si Jinx dahil mukhang traffic pa sa utak niya.
"Alam mo na? Na takot ka sa.."
"Yup. I'm Androphobic",dugtong ko kay Sheen. Nagulat siya dahil nalaman ko yun and at the same time nag-aalala ang kanyang expresyon.
"Are you okay?", tanong niya. Ngumiti lang ako at tumango. Tanggap ko na din kasi lahat ng 'to at alam kong kaya ko 'tong lagpasan.
"Ano ba pinag-uusapan niyo? Hindi ko maintindihan. Andro ano yun? Yan ba totoong pangalan mo Seri? OMG! Lalaki ka?", nasira na naman ulit ang momentum dahil sa tanga kong kaibigan.
"Androphobic bes. Sakit yun hindi pangalan",pagkaklaro ko.
"Ah.. So may ganoon kang sakit?", medyo napalakas ang boses niya kaya sinampal ko bibig nito. Paano kung may makarinig at ipagkakalat, baka ma bully pa ako dito.
"Hinaan mo nga yang boses mo",saway ko sa kanya.
"Ano ba yang sakit na yan?", halos pabulong na niyang sabi.
"It's a phobia. To be specific, fear of men. In tagalog, takot ako sa mga lalaki. Okay na?", napatakip siya ng bibig at nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Buti naman at na gets na niya.
BINABASA MO ANG
FEAR
Fanfiction"Love something you are afraid of and you will feel better..." If you are Claustrophobic, would you love to stay in a confined space? If you are Acrophobic, would you love to ride a giant ferris wheel? If you are Hydrophobic, would you love to div...