NEW CHARACTER !
Seo Kang Jun (서강준) as Kaizer June Biblee
Third Person's POV"Wag kang maingay , maririnig tayo ni papa",pinunasan ng batang babae ang luha ng kanyang nakababatang kapatid dahil iyak ito ng iyak habang nagtatago sila sa loob ng cabinet. Alas sais na ng gabi kaya pauwi na ang ama nila. Tuwing uuwi kasi ito ay lasing na lasing at palaging sinasalubong ng palo gamit ang sinturon ang mga anak nito kahit wala namang ginagawang masama.
"Ate bad si papa", nangingiyak na sabi ng batang lalaki kaya tinakpan na lamang ng batang babae ang kanyang bibig dahil sa takot nito na may makarinig.
*bang*
Nagulat silang dalawa sa loob ng cabinet nang may marinig silang malakas na paghampas ng pinto. Mas lalong hinigpitan ng batang babae ang pagkapit sa bibig ng kanyang kapatid dahil baka mag-ingay iyon.
"Nasan na ang mga lecheng batang yun?",lasing na wika ng kanilang ama habang mahigpit na hinahawakan ang sinturon.
Sunod sunod na hampas ang narinig ng dalawa at palapit nang palapit ito sa kinaroroonan nila kaya mas dumoble ang takot nilang dalawa.
"Aba't natututo na kayong magtago sa akin ha? Pag kayo nahanap ko malilintikan kayong dalawa sakin!"
Pumasok ang ama nila sa kwarto kung saan sila nagtatago. Pinaghahampas niya lahat ng gamit na nadadaanan niya hanggang sa natawag ng pansin nito ang cabinet kung saan nagtatago ang dalawang bata.
Medyo nahihilo pa siya dulot ng kalasingan kaya pagiwa-giwa ang lakad niya patungo sa cabinet. Binuksan niya ang cabinet at bumungad ang mga anak nito na iyak ng iyak.
"Nandito pala kayo ha? Labas!",marahas niyang hinila isa-isa palabas at sunod-sunod na pinalo.
"Pa tama na!! ",pagmamakaawa ng batang babae habang pinapalo ang kapatid nito. Sinubukan niyang ilayo ang kanyang kapatid pero mas malakas ang ama niya.
"Wag kang makikialam dito ha!",itinapi siya ng kanyang ama dahilan para ito'y bumagsak sa sahig at nasugatan pa sa binti.
Tuluyan nang hinila ng kanyang ama ang kapatid nito palabas.
"Ate!!!", lingon ng lingon ang batang lalaki habang hinihila siya ng ama. Tumayo naman agad ang batang babae para sumunod at magmakaawa pero sugat lang ang natatamo nito.
Madilim na ang paligid pero lumabas pa ang mag-ama. Hindi alam ng batang babae kung saan nito dadalhin ang kapatid. Gustuhin niya man, hindi na siya sumunod dahil siya mismo ay natatakot din.
BINABASA MO ANG
FEAR
Fanfiction"Love something you are afraid of and you will feel better..." If you are Claustrophobic, would you love to stay in a confined space? If you are Acrophobic, would you love to ride a giant ferris wheel? If you are Hydrophobic, would you love to div...