Chapter 24

12 2 0
                                    

CHAPTER 24

Jinx' POV

***** flashback****

Nakaupo ako sa waiting area dito sa loob ng printing shop habang hinihintay ang pinapaprint kong banner ni Jay.

"Miss okay na po ba ito?", tanong ni manong habang pinapakita sakin ang sample.

"Kuya pwede bang paki lakihan pa ng font. Atsaka i-center po ng kaunti yung picture ni Jay.", utos ko at agad na tumango si manong. "Thank you kuya!", pahabol kong wika.

*beep*

"Oh Sheen?", sagot ko sa kabilang linya.

[Asan ka?]

"Ah nandito pa ako sa printing shop, bakit?"

Chineck ko ang oras dahil baka next class na namin pero may isang oras pa naman ako. Bakit hinahanap na nila ako?

[Eh gagawin ka daw model ni Seri sa bagong makeup blog niya. Balik ka na dito.]

Ah si Seri, bagong kaibigan namin ni Sheen. Pero si Sheen lang naman yung nakipagkaibigan sa kanya but eventually naging kaibigan ko din naman siya. Well, wala namang masama kung kakaibiganin ko din siya. Noong una medyo hindi siya ganun ka friendly kaya pinilit kong si Sheen na wag na siya mag effort. Hindi ko alam kung ano nangyari noong ma accidente si Seri at bigla na lang naging magkaibigan ang dalawa.

Pero okay na din naman si Seri. Medyo nagugustuhan ko na din siya.

"Eh ikaw na muna mag model sa kanya busy kaya ako. At mas priority ko si Jay my loves.", nagmemakeup blog kasi yang si Seri pero hindi din naman inupload sa youtube. Sayang yung exposure ko diyan.

[Tss. Hindi din naman naaappreciate ni Jay yang effort mo kaya tigilan mo na yan]

"Wow! Triggered ako ha!", inis kong wika saka akmang ibababa ang tawag. Siya nga itong nageeffort na hindi na-appreciate ni Seri noon pero hindi pa din tumigil. Kaya kung hindi din ako titigil kay Jay, baka makuha ko din siya. *evil laugh* Shet! Naiimagine ko pa lang kinikilig na ako.

[Teka teka----]

Hindi ko na pinansin ang pahabol niyang sasabihin at pinatay na ang tawag. Alam kong ayaw ni Sheen na maging model ni Seri dahil medyo shytype kasi yun at ako lang ang game sa mga trip ni Seri kaya atat na atat si Sheen na pabalikin ako.

Pero syempre hindi ko ipagpapalit si Jay dyan! Pagdating kay Jay binubuhos ko lahat ng makakaya ko. Sadyang hindi lang supportive 'tong mga kaibigan ko. Hay nako! Napakaboring ng life nila.

"Palibhasa hindi nila alam kung gaano kasaya maging fangirl ! Kahit hindi ka mapansin ng idol mo buo pa rin araw mo. Tss.", wika ko mag-isa. Napatingin na din yung isang costumer sakin dahil kinakausap ko sarili ko. Ano bang masamang kumausap ng sarili? Lahat naman ng tao ginagawa yun. Picture nga ni Jay kinakausap ko eh.

"Manood na nga lang ako ng JayTv. "

Kinuha ko earphones ko saka plinay ang episode 5 ng reality show ni Jay.

"Ahhhh pogi talaga!"

Kilig na kilig akong mag-isa dito habang nanonood ng video sa phone ko.

Maya't maya'y may tumapik ng balika't ko. Tinignan ko kung sino itong mokong na iniistorbo ang date namin ni Jay. Muntik na akong magmura buti na lang hindi natuloy dahil matanda ang tumapik ng balikat ko.

FEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon