Kassy's POV
Pagdilat ng mga mata ko,nakita ko ang maaliwalas kong kwarto. Isa-isa ko ding pinagmasdan mga photoshoots ko sa picture frame na nakasabit sa ding-ding.
Napapikit ako muli dahil sobrang sakit ng ulo ko. Tumaghoy ako habang sinasabunutan ang sarili. At nang mapawi ang sakit napaisip ako kung ano ang nangyari kagabi bakit sumakit ng ganito ang ulo ko.
Unti-unting naaalala ko mga pangyayari. Napasampal ako sa noo ng maalalang naglasing pala ako kagabi. Bumangon ako dahil nahihilo na ako sa paghiga.
Kinapkapan ko ang katawan ko dahil nagtaka ako ba't iba yung suot ko ngayon. Sa pagkaalala ko naka turtle neck with fit skirt ako kagabi pero ngayon medyo komportable na dahil naka oversized shirt ako at shorts. Sino ang nagbihis sakin?"Fxxk", napamura ako ng maalalang si Jay lang yung kasama ko kagabi.
Kung ganun walang ibang taong pwedeng magpalit ng damit ko kundi siya. It means nakita niya ... Sh*t.Sinubsub ko yung mukha ko sa unan dahil hiyang-hiya ako. Kahit bestfriend ko yang si Jay at sobrang komportable na namin sa isa't isa, babae parin ako at lalaki siya.
Alam kong hindi ganung tao si Jay pero chineck ko si pempem kasi baka ginahasa niya ako. "Hays..", buti at walang nangyari.
"Jay, I like you.. Matagal na.."
Biglang nagpop-out sa mind ko ang linyang iyon. Sh*t sinabi ko ba talaga yun? "Aish!" Humiga ako ulit sa sobrang inis sa sarili. Tinakpan ko ng unan yung mukha ko dahil ako mismo nahihiya sa sarili.
Kassy naman, ba't ka ba kasi maglalasing kung alam mong hindi mo kayang kontrolin yan. Napatigil ako sa pag-iisip ng maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa kama. Kinapkap ko iyon hanggang sa mahawakan ko.
Sinagot ko ang tawag dahil si manager yun.
"Hello"
[Kassy, magsisimula na ang presscon in 30 minutes hindi ka pa ba tapos diyan?]
Tumingin ako sa wall clock at napamura ako dahil mag-aalas otso na ng umaga at magsisimula na nga ang prescon namin para sa new drama.
Tumalon na ako mula sa kama at dumiretso sa banyo para maligo dahil amoy alak pa ako. Matapos kong maligo ay nagsipilyo ako ng ngipin saka lumabas na ng banyo.
Tinignan ko ulit ang oras at 25 minutes na lang ang natitira. Parang nagmiminute to win it ako dito sa loob ng penthouse. Agad akong pumunta sa kabilang kwarto para maghanap ng masusuot. Naglagay talaga ako ng isang kwarto para sa mga damit ko lang. Marami kasi at hindi kasya sa cabinet. Yung iba sponsor lang din naman sa akin. Sa susunod ko na lang idedescribe 'tung closet ko, late na 'ko!Ang pinakaunang dress na nakita ko ay agad ko nang sinuot yun. Wala na akong time maghanap ng masusuot.
Agad akong lumabas at nakita ko ang driver ko na naghihintay sakin kaya sumakay agad ako ng kotse. Sa loob ng kotse na ako naglagay ng make-up. Umaapaw na nga din yung lipstick ko dahil gumagalaw ang kotse. Hindi na ako naglagay ng eyebrow pencil kasi matatakpan lang din naman ng bangs ko ang kilay.
Pagkatapos ko magmakeup ay nakarating na din kami. Sinalubong ako ng mga staff kasi dito kami sa likod dumaan para walang reporters. Dumiretso kami sa dressing room kasi di pa nagstastart, as usual Filipino time.
Nakita ko si Jay na bihis na bihis na at nakaupo lang sa harap ng salamin habang nakatingin sa phone niya.
Bigla ko nanamang naalala ang sinabi ko kagabi kaya nakaramdam ako ng awkwardness. Nagbuntong hininga ako para marelease lahat ng saliwa sa katawan ko.
"Kassy, lasing ka lang at wala ka sa tamang katinuan noong sinabi mo yun kaya act normal. ",mahina kong sabi sa sarili bago ako lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
FEAR
Fanfiction"Love something you are afraid of and you will feel better..." If you are Claustrophobic, would you love to stay in a confined space? If you are Acrophobic, would you love to ride a giant ferris wheel? If you are Hydrophobic, would you love to div...