15- I'm into him..

1.1K 22 0
                                    

Azura's POV:

Ilang araw na rin simulan ng mangyari iyon. Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko pero sana naman, diba? Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko ulit yun, somehow napapangiti ako dahil sa nangyaring iyon pero sana naman hindi ko ito pagsisihan. I don't know why I'm being like this few days ago. I doubt my feelings towards him pero alam ko na naman na gusto ko sya. Ang gulo ko talaga. Nakakainis. So far, wala pa naman kaming nagiging problema, boyfriend material si Chance at alam kong mahal nya ako. I can feel that he loves me very much. But I don't know, something’s bothering me. Or just I'm being paranoid because what happened on Clyde? I don't know. Really.

Flashback:

Nandito kame sa restaurant at kakatapos lang namin kumain. Walang nagsasalita samin. Sya ang bumasag ng katahimikan.

"Sabi mo one week lang? Bakit ang tagal mo umuwi?" He said. Sabi na nga ba sasabihin nya yun e.

"Because I have to, Chance." sabi ko ng seryoso.

"Why? Hindi ako makatulog ng ayos kakaisip sayo, alam mo ba yun?" He said in a serious tone.

"Sorry na, Chance. May kinumpirma lang ako sa sarili ko." Sabi ko na lang. Totoo naman diba?

Napakunot ang noo nya, "Ano naman yun?"

Unconsiously I blushed then I looked on his eyes seriously, I sighed. Maybe this is the right time, "Chance.." I said, I can sense that he's nervous.

"I like you too. Ah, no. Scratch that. I love you too." then I smiled. There! I said it.

"For real?" He said.

I nodded, "Ayaw mo ba?"

He pulled me to him and hugged me, "Syempre gusto ko. Gustong gusto ko." He kissed my forehead. "I love you very much, Denise."

"I love you too." I said then hugged him tighter.

"So that's the reason why?" He said while smirking. Sabi ko na e, mangaasar to. Tss.

"Oo. Malay ko bang mamahalin din kita? Ehh nakakainis ka kaya! Tss." Sabi ko then I rolled my eyes.

"Nakakainis nga, mahal mo naman! Haha." then he stole a kiss from me. Of course I blushed. Hinampas ko sya then I mumbled, "Don't do that again, Chance."

Nakakahiya e, "Okay lang yan, baby." then he winked at me then I blush again.

Magkasama pa rin kami hanggang ngayon at kung saan saan din kame nakarating. Nandito kame ngayon sa seaside, dahil gusto kong panuorin ang paglubog ng araw.

Ilang oras pa pagkatapos ng sunset ay hinatid na nya ako saamin, pinagbuksan nya ako ng pintuan at inalalayang bumaba.

"So? See you tomorrow?" He said while smiling.

I just nodded, "Hindi muna ako papasok sa opisina. Dadalawin na lang kita sa office mo."

He shook his head, "Ako dapat gumagawa nyan, baby. At bakit ayaw mo pumasok?"

I just shrugged, "Ayoko muna pumasok e. Tsaka ako naman magmamana nun, alam ko na kung papaano patatakbuhin. So yea. Petiks muna ako ngayon."

"Baby talaga. Osya, uuwi na muna ako. Pupuntahan na lang kita dito bukas ha? Wag ka na pumunta sa office ko." Bakit kaya? Ah, baka madami syang ginagawa. Hayaan na nga.

"Okay. Sabi mo e." Hindi na ako nagpumilit, pagod na ako e.

"Alright. Good night baby. Sweet dreams." then he kissid me in my lips.

"Goodnight." I said at tumalikod na ako para pumasok sa bahay.

End of flashback.

See? Ang epic diba? Hay. Ewan ko na. Bahala na. Papunta ako sa kitchen ngayon dahil gutom na ako. Nakita ko si dad sa kitchen, kumakain. Syempre. -_-

"Hi dad." I said..

He looked at me, "Kamusta kayo?" he said while smiling.

Iniwas ko ang tingin ko, "Okay lang naman."

He just laugh. "Kayo na ba, princess?"

I just nodded on him. Huhu. Nakakainis. Nasisilayan ko na naman ang mga mapanuksong ngiti ni daddy. Tss.

"Bagay naman kayo e." he said. I know he's teasing me. Duh? Hindi na ako sumagot. Tss. Nangaalaska lang yan.

"Azura.." I just looked in him. "Alam mo bang pinuntahan pa ako ni Chance sa office para lang itanong kung nasaan ka? Pwede naman syang tumawag na lang diba? Hahaha! Mahal ka talaga nun, anak. Nararamdaman ko."

"Hindi nga, dad?" sabi ko. Nauna kase sakin sila dad umuwi. I requested them na mauna na sila dito. Kaya ayun inabot ako ng ganon katagal.

"Yes, princess." He said. "I like him for you, iha."

I just smiled. Nakakahiya kaya, "Pero anak gusto ko na magkaapo." sabi nya. At literal na nanlaki ang mga mata ko at halos mabulunan ako.

"D-dad naman! Ano ba yang pinagsasabi nyo?!" sabi ko. Nakakainis.

Tumawa lang sya ng pagkalakas lakas. "Makatawa ka naman, hon." sabi ni mommy pala.

"Hi, mom."  I said then kissed her.

"Eto kasing unica hija mo. Sabi ko gusto ko na ng apo. Hahaha! Ikaw din naman gusto mo na diba? Hahahaha!" Padabog akong  tumayo dahil alam kong pulang pula na ako sa kahihiyan sakanila. Dumiretso na ako sa kwarto ko pero bago ko masarahan ang pintuan ay narinig kong sumigaw si mommy.

"Oo nga princess. Tama ang daddy mo. Hahahaha!" At narinig kong tumawa silang dalawa ng pagkalakas lakas.

My Fate.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon