Mingyu
Nagising ako dahil sa narinig ko ang mabigat na pag hinga ni Wonwoo. Nakaupo siya sa tabi ko nakayuko habang nakahawak sa kanyang dibdib.
"Wonwoo okay ka lang?" umiling siya at bigla akong niyakap.
"Mingyu ang sakit..." tinuturo niya yung puso niya habang nakatingin sakin. Putang ina umiiyak siya. Ano bang nangyayari?
"Bakit? Anong meron?"
"May sakit ako... Mamamatay rin ako." PUTANGINA ANO DAW? WONWOO WAG KANG MAG BIRO NG GANYAN.
"Mingyu... Ang sakit." nakahawak siya sa dibdib niya habang hirap na hirap huminga. Tumayo ako at lumabas para hanapin si Bohyuk.
"Bohyuk! Si... Si Wonwoo!" nanlalaki ang mata niya at agad rin pumasok sa kwarto ni Wonwoo. Dumeretso siya sa side table ni Wonwoo at binigyan siya ng tubig.
Kinuha yun ni Wonwoo at ininom habang nakahawak parin sa dibdib niya. Habang umiinom siya putangina tinitignan ko siya.
Anong sinasabi niyang masakit?
Anong sinasabi niyang mamatay siya?
Anong sinasabi niyang may sakit siya?
Kumalma si Wonwoo. Di na masyado ang pag habol niya sa hangin pero di niya talaga mabitawan ang kanyang dibdib. Lumapit ako sakanya at niyakap siya.
"Wonwoo..."
"Mingyu... May sakit ako. Mamamatay ako."
"Wonwoo putangina wag kang mag sabi ng ganyan." napapakagat nalang ako sa labi ko. Putangina masakit. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.
"Mingyu hyung. Pwede ba kitang makausap?" lumabas agad si Bohyuk. Sinenyasan ako ni Wonwoo na sumunod muna kay Bohyuk.
"Okay ka lang ba pag iiwan kita?"
"Ayos na ako. Salamat, i love you..."
"I love you too..." tumayo na ako. Nung sa oras na makalabas na ako ng pintuan ni Wonwoo tangina tuloy tuloy na yung pag daloy ng luha ko.
"Dahil sayo." napatingin ako kay Bohyuk. Dahil sakin?
"Naalala mo ba yung iniwan mo siya dati? Teka pano mo ba makakalimutan yun? Gabi gabi siya umiiyak. Kung hindi mo sana siya iniwan, hindi siya mag kakasakit ng ganyan."
"Isang rule kung gusto mo pa siyang makasama ng matagal. Wag mo siyang papalungkutin ng sobra. Wag mo siyang papasayahin ng sobra. Kaya niyang kontrolin ang sarili niyang emosyon pero pag dating sayo hindi na niya kaya. Masyado kang delikado sakanya pero nilalabanan niya parin kasi mahal ka niya."
Napasipa ako at nagising. Putangina panaginip lang ang lahat. Shit panaginip! Nakita ko si Wonwoo sa tabi ko, nakaupo. Nakatingin sa phone niya.
"Wonwoo..." bigla akong kinabahan. Akala ko totoo na yun. Akala ko mamamatay talaga siya... Putangina wag. Bakit naman siya mag kakasakit? Okay na okay naman si Wonwoo ngayon diba?"Okay ka lang?" mukhang nagulat siya sa pag tanong ko. Tama. Tama ang reaction niya. Isa lang ang ibig sabihin niyan, wala siyang sakit. Putangina buti nalang.
"Bakit ka lumuluha?" lumuluha na pala ako? Damn that dreams.
"W-wala. May napanaginipan lang ako pero impossible namang totoo."
"Ano ba yung napanaginipan mo?" sinubukan kong hindi magulat para naman hindi siya ma-curious lalo. Tangina nung panaginip ko, pinapatay si Wonwoo.
"Wala yun hahaha. Ano ba..." hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.
"Forever?" ngumiti siya kaya napangiti na rin ako. Masaya na akong ganito kami. Pero putangina. For the first time in 5 years, ngayon ko nalang ulit siya nakatabi sa pag tulog.
"Forever ☺"
BINABASA MO ANG
Nostalgia •Meanie•
Fanfic[HALF EPISTOLARY] "Wonwoo, bumalik ako kasi mahal parin kita..." Book 2 of Seen