20

245 8 2
                                    

Wonwoo

"Welcome back Malandi!" pag pasok ko yan agad ang sinabi ni Seungkwan.

"Aba tangina mo."

"aylabyu too." inirapan ko siya at nilampasan. Siya kasi yung nag bukas ng pintuan saaming dalawa ni Mingyu.

"Kayo na ulit? Kayo na ulit?"

"Oo..." sagot ni Mingyu at hinila ako papalapit sakanya.

"Nakitulog lang si Mingyu sainyo, kayo na ulit agad?!" mabungaga talaga tong si Seungkwan. Minsan ang sarap din lagyan ng packing tape yung bibig niya.
"Manahimik ka. Agawin ko sayo si Hansol eh." nanahimik nga siya. Tinignan niya ako ng masama. Pati si Mingyu na kanina lang ay hawak ang kamay ko, ngayon ay binitawan niya na. Hala nag bibiro lang mga hayop.

Iniwan nila ako mag isa kaya sumunod nalang ako. Nasa garden nanaman silang lahat. Wala paring nag babago, kahit nakalipat na kami ng bahay... Garden parin talaga ang paburito nilang tambayan.

"Wonwoo! Welcome back!" pinag yayakap nila akong lahat kaya nahirapan nanaman akong kumuha ng hangin kaya pinag tutulak ko sila. Mga hayup ako pa ang winelcome iblis na si Mingyu. Mukhang ako tuloy yung nanggaling sa ibang bansa.

"Guys... Guys ako ang nanggaling sa ibang bansa." sabi ni Mingyu sabay inakbayan ako kaya yung mga tingin nanaman nila ay O___o

"Atsaka wala kayong karapatan na yakapin si Wonwoo babe ko kung di oa kayo nag papaalam sakin." putangina

"WONWOO BABE KO?!" sigaw nilang lahat na sa tingin ko ay rinig na sa buong barangay. Grabe ang o-oa talaga.

Napatingin ako kay Jun, ngumiti siya pero kakaibang ngiti. Yung ngiti na "sana masaya ka na ulit sakanya". Tumango nalang ako at ngumiti.

"Kami na ulit, mga ugok." hinawakan ni Mingyu yung kamay ko at niyakap ako. Ito namang mga hayup sa harapan namin ay kinikilig kaya nag hampasan at nag paluan na ugh.

"Anong meron?" natigilan kaming lahat dahil lumabas si Jihoon mula sa backdoor. Matagal ko na siyang hindi nakita pero nakakausap ko naman siya thru chat.

"Babe, anong meron?" tanong niya kay Seungcheol. Woah. Ano daw? Babe?

"Babe?" sabay sabay naming tanong ni Mingyu at Jun. So kaming tatlo lang naman kasi yung outdated. Di naman nila sinasabi sa chat eh.

"Di niyo papala alam no? Nag kabalikan kasi si Jihoon at Seungcheol." napatingin ako kay Jeonghan. So siya pa talaga yung nag explain? So ano na siya? Kala ko ba Jeongcheol lang, walang titibagszxc? Tangina papatay ako, eh Jeongcheol shipper ako eh!

"Ang nagkatuluyan ay si Jisoo at Jeonghan." sabi naman ni Soonyoung. What?! Eh diba si Soonyoung gusto niya si Jihoon? Pano naman siya?

"Eh paano ka?" tanong ni Junhui. Tinuro niya si Seokmin. Aha. Okay? Naging magulo, bakit parang gumulo. Oo nga gumulo!

Jihoon and Seungcheol?
Jisoo and Jeonghan?
Soonyoung and Seokmin?
Junhui and Minghao?
Ako at si Mingyu.
Hansol at Seungkwan.
Alam ko forever alone si Chan.

"Magulo diba? Pero nung nawala kayo, ganun ang nangyari. At ako itong nag iisa lang nanaman sa buhay." sabi ni Chan. Ang mature niya nang mag salita. Haist. Pero ano daw?

"Malamang gago. Bata ka pa, di ka pa pwede." napasimangot siya.

"Hyung naman eh, 5 years na ang nag daan. Matanda na ako pero wala parin akong ka-forever tas ano?! Lahat kayo meron?! Tsk." binatukan namin siyang lahat. Malandi na bata, may pinag manahan to... Kabwisit kasi, ang landi ni Jeonghan.

"Ayan, tignan mo to Jeonghan. Parehas na kayo, pwe." sabi ni Seungkwan na ikinatawa naming lahat. Mukhang nagets agad ni Jeonghan kaya babatukan niya dapat si Seungkwan pero inawat na siya ni Jisoo.

"Guys, tulog muna kayo tayo no para mamayang gabi ay makapag puyat tayo?" sabi ni Seungcheol hyung. Wala paring nag babago, still the same good Hyung that i knew five years ago.

"Inlove ka na ba kay Seungcheol?" bulong sakin ni Mingyu. Nabigla ako sa naging tanong niya kaya napaharap ako. Nakakunot noo ko pero siya nakangisi.

"Grabe mo siya tignan kanina. Wag ganun ha? Nag seselos ako." OA na ba masyado? Eh sinasabi ko lang naman na walang nag bago kay Seungcheol hyung ah.

"Alam mo ang possessive mo..." sa pag kakaalam ko ganito rin si Mingyu sakin dati. Di ako nabwibwisit, kinikilig nga ako tangina

"Mas okay na to kesa mawalan ulit ako ng pake sayo." tama nga naman.

"Oh siya guys. Tara na at matulog!" nauna ng pumasok si Jihoon at Seungcheol.

"Hoy tulog ha! Hindi mag landian! Punta sa sari-sariling kwarto mga ugok!" sigaw ni Seokmin kaya natawa kaming lahat. Tama naman siya pero parang naging katawa tawa yun dahil sa pagkasabi niya.

Hinatid pa talaga ako ni Mingyu sa kwarto ko. Kajirits naman. Bakit kasi dito pa ang kwarto ko? Napakalayo naman kay Mingyu.

Hinati nanaman kasi nila kami. Second floor yung iba, kami third floor. Haist. Mag kabilang mundo. Pero luuuh kingina ang OA mo nanaman Wonwoo, isang floor lang eh.

Second floor sila; Seungcheol, Jeonghan, Seokmin, Minghao, Mingyu, Seungkwan at Chan.

Third floor kami nila; Jihoon, Jisoo, Soonyoung, Junhui, Hansol.

Kung titignan mo, pinag hiwalay talaga lahat ng nag lalandian. Mas safe daw to pero kung titignan mo rin ng mabuti, meron si Seuncheol at Jeonghan nasa iisang floor lang. Meron din ako at si Jun. Hindi ba yun parang awkward?

"Text nalang kita ha? Matulog ka. Mukhang di ka ata nakatulog kanina eh." tumango lang ako sa sinabi ni Mingyu. Hinalikan niya ako sa noo.

"I love you."

"I love you too."

••••

Sarreh. Longest update so faaaar! Nadamihan ko ata 😂

Nostalgia •Meanie• Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon