53

170 7 0
                                    

Wonwoo

"Ano na?"

"Di mo ba namiss tong tree house?" niyakap ako ni Mingyu ng napakahigpit. Yung di nanaman ako makakahinga.

Alam ko talaga. Mahal na mahal niya parin ako.

"Di mo ba ako namiss?"

"Gusto mong upakan kita jan? Ako pa talaga tinanong mo niyan?" ako pa talaga na araw araw, oras oras, minuminuto at kada segundo siyang iniisip?

"Sorry na. Pero Wonwoo..." tumingin siya ng diretso sa mata ko.

"Mahal kita promise. Wag mo na akong iiwan huh?"

"Bakit naman kita iiwan? Nag papatawa ka ba?" bakit ba. Ano ba tong usapan namin? Bakit pakiramdam ko parang may pakiramdam siyang iiwan ko siya.

"Wala. Natakot lang kasi ako sa panaginip ko. Pero wala yun." hinawakan niya na ang kamay ko at pumasok na kami.

Maalikabok at mapurok na ang tree house na dating tambayan lang namin. Kung hindi lang kasi nag kagulo ang lahat dati baka siguro naalagaan pa namin ito ni Mingyu. Baka siguro ayos pa ang lahat.

"Wonwoo nung iniwan kita, paano naging kayo ni Jun?"

"Basta ang alam ko lang pag gising ko ng isang araw pagod na akong umiyak sayo. Nahulog ang loob ko kay Jun pag tapos kong nakamove on.

Pero nung nakipag break siya sakin, ibles na masaktan ako gaya ng ginawa mo pero hindi eh. Ikaw nanaman ang naisip ko at paulit ulit kang bumabalik dito ko." itinuro ko ang puso ko saka siya ngumisi.

"Bat kasi kita iniwan pa."

"Aba malay ko sayo! Hmp!"

"Awww. Yung Wonwoo na masungit nag babalik na." The isip-bata Mingyu again.

"Oo na. Mahal kasi kita"

"Mahal rin kita. Yieee. Forever na ba?"

"Oo na."

Nostalgia •Meanie• Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon