Wonwoo
Tumunog ang doorbell at lumabas agad ako para pag buksan ng gate si Jun. "Pasok ka muna."
Umiling ito at hinila na ako papasok sa sasakyan niya at pinaharurot na ang takbo nito. "Saan nga pala tayo pupunta?"
"Basta". Isang mapait na ngiti ang nakita ko sakanya kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Ayoko siyang nakikitang ganito, kilala ko kung sino siya. Alam ko kung anong iniisip niya dahil isang beses ko rin siyang naging mundo.
Akala ko dati siya na ang makakatuluyan ko, mabilis lahat ng pangyayari hanggang sa bigla nalang niya akong hiniwalayan. Hindi naman daw sa wala siyang dahilan pero ayaw niyang sabihin ang totoong dahilan kung bakit niya ako iniwan. Pag dating naman daw ng panahon ay maiintindihan ko.
So siguro ito na nga yun? Ito na ang panahon na sinasabi niya noon. Nakipag hiwalay siya sakin dahil mahal niya pa si Minghao. Tinapos niya ang relasyon namin para kay Minghao. May kirot sa puso ko pero hindi na ako nasasaktan. Si Jun ang tumulong sakin kung paano mag move on kay Mingyu. Si Mingyu nanaman iniisip ko. Mahal ko parin ba siya?
"May tanong ako." kinabahan ako sa tono ng boses niya. Kinakabahan ako sa tanong na pwede niyang itapon sakin.
"Ano yun?"
"Pano kung bigla nalang bumalik si Mingyu?" kumalabog ng malakas ang puso ko. Pakiramdam ko lahat ng red blood cells, white blood cells, brain cells, lungs, river, puso, utak, at tiyan ko ay nag wala.
"Bibigyan mo parin ba siya ng pangalawang pag kakataon?"
"Bakit ka lumuluha?" napakunot noo ako at pinunasan ang luha na galing sa mata ko. Kung di niya pa sinabi, malamang ay hindi ko pa alam na lumuluha nga talaga ako.
"Wonwoo. Mag tapat ka nga, mahal mo pa ba siya?" andami ko gustong tanungin sakanya pero walang boses ang lumalabas sa bunganga ko. Bakit ganito?
Mag salita ka naman Wonwoo.
"H-hindi ako okay. Itigil mo ang sasakyan."
"Wonwoo hindi pwede."
"Jun please. Itigil mo." mabilis na itinigil niya ito at bago ako bumaba ay may sinabi muna ako sakanya.
"Bibigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon pero hindi ngayon."
BINABASA MO ANG
Nostalgia •Meanie•
Fiksi Penggemar[HALF EPISTOLARY] "Wonwoo, bumalik ako kasi mahal parin kita..." Book 2 of Seen