Wonwoo
Dahan dahan akong lumabas sa kwarto ko. Sana walang makakita sakin. Bakit ba kasi nasa third floor pa yung kwarto ko?
Walang nakakalat na tao sa bahay ngayon kaya mas mabilis akong nakalabas ng bahay. Tumakbo ako papuntang park kung saan yung sinasabi ni Jun at natagpuan ko siyang nakaupo sa isang bench.
Itim lahat ng suot niya. Nakasumbrero rin siya ng itim at naka mask pa ng itim. Buti hindi siya naabutan o nakita kanina sa bahay baka mapag kamalan siyang mag nanakaw.
Nung makalapit ako ay inabutan niya ako ng tubig at pinaupo sa tabi niya.
"Sabi ko naman na bawal kang tumakbo kung hindi naman emergency."
"Pinapagalitan mo ba ako?" ganito rin siya nung kami pa.
"Hindi pero concern lang ako sayo. Nagiging malala na ang kalagayan mo mas lalong nandito na si Mingyu." oo tama ang nababasa niyo. Alam niya ang kalagayan ko. Alam niya ang sakit ko. Siya lang ang nakakaalam buti nalang at hindi niya pa sinasabi sa kahit kanino.
"Junhui wala akong magagawa." sana maintindihan niya. Kahit na nag kasakit ako ng dahil kay Mingyu tangina mahal na mahal ko parin siya.
"Pero please wag naman masyado. Mag tira ka naman ng pag mamahal sa sarili mo, hindi yung ibibigay mo ulit sakanya lahat." tama ang sinasabi niya pero paano ba? Grabe na kasi. Mahal na mahal ko na si Mingyu. Mas mahal ko na siya sa sarili ko. Na kahit mamamatay na ako ay wala parin akong pakialam basta napapasaya ko lang siya.
"Ano nga pala yung itatanong mo?"
"Alam ba niya?" umiling ako.
"Wala akong balak sabihin sakanya. Kung patay na ako, ikaw ang mag sasabi." nanahimik siya at nag buntong hininga.
Nung dati napag isip isip ko na pag dating niya sasabihin ko kaagad. Pero nung nasa harap ko na siya, biglang nag bago ang lahat. Bigla nalang ayoko ng sabihin sakanya, bigla nalang nag sisisi ako kung bakit ako nag kasakit. Bigla nalang lahat. Kinakabahan ako at natatakot na bigla nalang rin akong mamamatay.
"Rerespetuhin ko yang decision mo, pero hindi ba napaka-unfair naman ata sakanya yun?"
"Paano naging unfair?"
"Binalikan ka niya para mahalin ulit. Binalikan ka niya. Nag mamahal siya ng taong may sakit. Nag mamahal siya ng tao na pwedeng mamatay ng biglaan." nasaktan ako sa biglang pag atake ng mga salita ni Jun pero putangina tama siya. Para akong binalibag ng maraming beses at itinapon nalang bigla.
Masakit.
Pero hindi parin niya mababago ang decision ko. Hindi ko sasabihin kay Mingyu ang lahat.
"Yan lang ba ang tatanungin mo?" tumango siya kaya tinapik ko siya at mag lalakad na sana ako palayo pero may sinabi siya na nag patigil saakin.
"Ayoko mang sabihin to pero siya rin ang dahil kung bakit kita iniwan. Wonwoo mahal parin kita pero nandito na si Minghao kaya alam ko makakalimutan ko lang ulit tong nararamdaman ko sayo. Nag paraya ako para sa kaligayahan mo, pero sa tingin ko hindi mo ito ginagamit ng maayos. Habang maaga pa sabihin mo na kay Mingyu, mag sisisi ka pag hindi mo pa sinabi. Mahilig kang mag tago ng mga nararamdaman mo pero pakiusap, wag ngayon."
BINABASA MO ANG
Nostalgia •Meanie•
Fanfiction[HALF EPISTOLARY] "Wonwoo, bumalik ako kasi mahal parin kita..." Book 2 of Seen