Mingyu
"Hyung!" kumaway si Boohyuk kaya agad ko siyang nakita. Tumakbo ako papalapit sakanya at nakipag appear. Ang laki ng pinag bago niya at medyo kamukha niya na si Wonwoo.
Tangina miss ko na siya.
"Kumusta na?"
"Okay lang naman ako hyung, ikaw naman? Okay ka na ba hyung?" ngumiti ako pero di ko parin maiwasan malungkot. Hinahanap hanap ko pa din kasi ang presence ni Wonwoo kahit matagal na siyang wala sa tabi. Naaalala ko parin ang mga pinag samahan namin ang gago ko para baliwalain yun noon.
Sa simpleng pag seen niya lang sakin dati naiinlove pa ako. O diba? Pero sa kabila nun hindi ko alam na gusto niya na rin pala ako. Si Wonwoo yung tipo ng tao na hindi nag papakita ng nararamdaman, siya yung pakipot type lunwari masungit pero deep inside kinikilig na pala.
Miss ko na siyang makita na nag susungit pero namumula naman ang mga mukha.
Damn.
Miss ko na ang yakap niya.
Miss ko na ang ngiti niya.
Miss ko na ang tawa niya.
Miss na miss na miss ko na siya.
Ganun na ba talaga ang ending namin? Hindi ko kasi talaga matanggap ang hirap hirap.
Gustong gusto ko siyang yakapin dahil sa sakit ng nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko siya pero wala akong nagawa kasi di naman talaga pwede. Ganito pala ang maiwan ng taong mahal mo?
Oo iniwan niya ako pero hindi sa iba, iniwan niya ako dahil kinuha na siya. Masaya ako dahil hindi na siya nag hihirap pero sobrang sakit ng nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko na dahil din sakin ay nagkasakit siya kaya dapat lang sakin ang masaktan ng ganito.
Andaming pumapasok sa isip ko, kahit anong gawin kong pag busy sa sarili ko ay hindi parin matanggal si Wonwoo sa isip ko.
Lalong lalo na sa puso ko.
Siguro dito na nag tatapos ang lahat. Siguro ganun talaga ang kapalaran namin, bumalik ako para balikan siya pero ako naman ngayon ang iniwan niya. Siguro ganito talaga. Tatanggapin ko na at ngingiti na madalas, ayaw ni Wonwoo na makita akong ganito. Gusto niya maging masaya ako.
"Hyung umiiyak ka ulit." napatingin ako kay Boohyuk. Hinawakan ko ang pisngi ko at may mga luha nga.
"Ah sorry. Bibisitahin ko muna si Wonwoo." ngumiti ako at tinapik ang balikat niya aalis na sana ako pero nag salita siya at may kinuha sa bag niya.
"Hyung matagal ko na tong gustong ibigay sayo to pero di ko magawa. Gusto ni Wonwoo hyung na masaya ka palagi at ibinigay niya to sakin... Ibigay ko daw sayo yan para i let go mo na siya. Mahal ka ni Wonwoo hyung, mahal na mahal. Anjan na ang lahat ng gusto niyang sabihin bago siya mawala kaya basahin mo nalang hyung." kinuha ko sakanya ang puting sobre. Isang sulat muli.
Huling sulat ni Wonwoo para sakin.
"Mauuna na ako hyung. Maraming salamat sa lahat." niyakap niya ako at ganun na din ang ginawa ko. Bumitaw siya at nag simula ng mag lakad palayo.
Tumitig ako sa sobre.
I love you Mingyu Kim.
BINABASA MO ANG
Nostalgia •Meanie•
Fanfiction[HALF EPISTOLARY] "Wonwoo, bumalik ako kasi mahal parin kita..." Book 2 of Seen