56

183 8 4
                                    

Minghao

Nag uusap kami ni Jun ng biglang may kumalabit sakin. Una nagulat ako kasi akala ko multo. Pangalawa akala ko si Jun. Yun pala si Hoshit lang.

"Bakit nandito kayong dalawa? Date?"

"Nag usap lang kami. Eh kayo?"

"Nag papahangin lang."

"Tara uwi?" tumayo na kami ni Jun kahit na ang totoo ay kadadating lang din namin. Hinayupak tong si Seokmin at Soonyoung. Parang sinundo lang kami dito eh. Pero buti pa sila, ang sweet sweet.

"HYUNG?!" nagulat ako este kami ng makita si Dino kasama si Jeonghan, Jihoon at Seungcheol.

OKAY?! Anong ibig sabihib neto?! Lumabas silang apat?! Naguguluhan ako! Paano?!

"BAKIT NASA LABAS KAYONG LAHAT?!" pasigaw na tanong ni Dino at mukhang gulong gulo.

Bakit nga ba?

As in lahat ba kami?

"Pag tingin ko kanina ako nalang ang naiwang tao sa bahay!" napanganga kaming lahat dun ni kahit si Seungcheol hyung ay di alam ito?

Nakarating kami sa tapat ng bahay at nakita si Mingyu, Wonwoo, Jisoo at Seungkwan dun. Woah? Anong meron?

"Wala na daw sila ni Hansol. Aalis na si Hansol bukas sa bahay." sabi ni Jisoo kaya lahat kami ay nagulat! WALANG HIYA..

LAHAT NAG KAKAMABUTIHAN TAPOS SILA TAPOS NA?!

"Asan si Hansol?"

"Nandun sa loob."

"Kakausapin natin!" hinila ko si Seokmin at Mingyu.

Nakita namin na nakaupo si Hansol sa sofa habang nakayuko. Mukhang umiiyak. Ang dilim dilim pa dito. Hindi man lang niya ibukas ang mga ilaw.

"Anong balak mo gago?!"

"Wala. Ayoko na." mabilis niyang sagot na nag painis din sakin ng mabilis.

"So ganun nalang yun?!"

"Anong ganun nalang yun?"

"Hansol, tangina mo alam mo yun?!" Mukhang naiinis na rin si Mingyu at Seokmin. Nag mamahal yang mga yan ng totoo sa mga syota nila kaya ganyan nalang ang impact sakanila. Mukhang ako lang talaga ang ano dito eh.

"Alam ko."

"Aba gago ka! Ano bang trip mo!?"

"Trip kong makipag break kay Seungkwan. Ahahaha!" tumalon si Mingyu at pinaulanan ng suntok si Hansol. Walang pumipigil kay Mingyu dahil deserve naman talaga masuntok ni Hansol para magising sa katotohanan.

Tangina hindi siya yung Hansol na kilala ko.

Hindi siya lumalaban at nakangisi lang. Aba gago!

"Bakit mo ginawa yun?!" tanong ni Seokmin na sinabayan na rin sa pag suntok kay Hansol. Habang ako? Nakatayo lang pinapanood sila at kinukwento sainyo kung anong nangyayari. Ang gago ni Hansol no?

"Guys ano ba. Ayoko na si Seungkwan matagal na! Hahahaha." tumatawa pa ang putajdnwiwkf. Kumilos din ako at sinuntok siya. Sabay tumigil na tong dalawa na nag susuntok rin sakanya.

"Pasalamat ka hindi ka pa patay!" sinipa ko siya at lumabas na kami sa bahay.

Putangina nakakainit ng dugo.

Hindi siya si Hansol. Hindi siya ang nakilala kong Hansol.

Nostalgia •Meanie• Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon