Wonwoo
*knock knock*
Sinara ko kaagad yung notebook na sinusulatan ko na para kay Mingyu. Balak kong kumpletuhin yun hanggang maka-100 ako na sulat sakanya.
Pumasok si Mingyu ng dahan dahan habang may dala na dalawang puppy. Mejo mabalahibo sila at mataba. Putangina ang fluffy. Ipinahiga niya ito sa kama ko. Ang sarap pa ng tulog ni Minwon, habang si Woogyu naman ay nagising na at iminulat ang mga mata.
"Puppy palang sila ang liliit no? Pero alam mo bang lalaki lang sila ng konti pag tumanda sila?" tumango ako kay Mingyu.
"Ayan si Woogyu, pakiramdam ko magulo yan pag laki. Kanina pa siya galaw ng galaw habang buhat ko." kinuha ko si Woogyu at tinignan ang mga mata nito. Di pa siguro sila nakakakita ng maayos.
"Hello Minwon at Woogyu. Welcome sa bahay namin, kami ang parents niyo!" hinalikan ko si Woogyu at nag hikab ito dahilan para mapatawa kami ni Mingyu.
"Oha, may anak agad tayo. Kambal pa..." kinindatan ako ni Mingyu kaya wala akong nagawa kundi yakapin siya. Bakit ba ganito siya? Kada segundo mas nadadagdagan yung pag mamahal ko sakanya at putangina kada segundo rin ay mas lalo akong nahihirapan.
"Hoy. Anong anak anak— wao putanginaaa! Gago guys may bago silang puppy ang cuteeee!" sumugod silang lahat sa kwarto ko. Ang ingay talaga ni Seungkwan.
Dinumog nila si Minwon at Woogyu. Hindi nila kami napansin ni Mingyu na nakatayo lang sa may pintuan ng kwarto ko habang mag kayakap.
"Dinumog na anak natin, haist. Kawawa na sila."
"Hayaan mo. Mag sasawa rin yang mga yan..." niyakap niya ako ng mas mahigpit at kumindat.
"Yung burger mo pala nandun na sa lamesa, kain ka na?" tumango ako at bago kami lumabas ay binilin namin na wag nila masyadong lalaruin. Gustong gusto talaga nila si Minwon at Woogyu namin.
Paano kaya kung totoong tao nalang sila?
![](https://img.wattpad.com/cover/96455506-288-k867614.jpg)
BINABASA MO ANG
Nostalgia •Meanie•
Fanfiction[HALF EPISTOLARY] "Wonwoo, bumalik ako kasi mahal parin kita..." Book 2 of Seen