Wonwoo
Pag labas ko sa office ni Doctor Makafuno ay napaupo nalang agad ako at tuloy tuloy nang umagos ang luha sa mata ko.
Putangina, Mingyu. Sorry.
"Alam ko na ang kalagayan mo, sinabi sakin ni Doc." napatingala ako at nakita ko si Jun. Tumayo nalang ako agad at niyakap siya.
Tangina kung kami pa rin ba ni Jun hanggang ngayon, matatanggap niya parin ba ako kahit ganito na ako?
"Wonwoo, alam kong nahihirapan ka na pero simula palang to. Hindi mo alam na baka makalimot ka nalang bigla mamaya. Gusto ko lang sabihin na nandito ako. Ililigtas kita." mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Jun. Bakit ba palagi nalang siyang nasa tabi ko pag kailangan ko ng tulong?
"Uwi na tayo. Pahiram phone mo." iniabot ko sakanya phone ko at may ginawa lang siya saglit habang nakangiti. Ibinalik niya saakin at tinignan ko naman kung anong ginawa niya.
Ginawa niyang wallpaper at lockscreen yung picture naming dalawa ni Mingyu.
"Incase na makalimutan mo siya..." ngumiti siya at inakbayan ako.
"Kung alam mo lang komontrol ng nararamdaman mo, magiging maayos ang lahat Wonwoo."
BINABASA MO ANG
Nostalgia •Meanie•
Фанфик[HALF EPISTOLARY] "Wonwoo, bumalik ako kasi mahal parin kita..." Book 2 of Seen