69

218 4 0
                                    

Annyeong Mingyuuushiii! Wonwoo imnida.. Di ko alam kung pano ako mag sisimula pero gusto kong sabihin sayo na I'm dying. Sorry kung hindi ko na nasabi sayo ng harapan at nalaman mo nalang bigla. Mahal na mahal na mahal kita at ayokong masaktan ka kaya gustobko nga patago nalang din na mamatay pero di pala pwede yun hahahaha.

Alam mo ba ang saya saya ko dahil naging parte ka ng buhay ko? Biruin mo yun? Ang isang negrong katulad mo? Haha joke! Di ko akalain na mag kakagusto ako sayo ang kulit kulit mo din kasi noon chat ka ng chat pero di ka parin talaga tumigil, kahit palagi kita siniseen go ka parin. Ganun mo na ba ako kagusto? Hahaha. Patay na patay ka talaga sakin.  Odiba nakuha ko pa mag biro? Hahaha sinusubukan ko kasing pagaanin ang loob mo habang binabasa mo to. Kahit sobrang iyak na ako ng iyak habang sinusulat to, di naman halatado na umiiyak na ako diba? Hahahahaha! Hoy mag jojoke ako!

Ano ang isda na nag kakarate? Edi TILAPYAAAAH!

HAHAHAHAHA alam ko mapapangiti ka nanaman sa kakornihan ko.

Pero seryoso na dahil hindi ko na kaya mag sulat ng mahabang mahaba na di katulad noon ay nagagawa ko pa sayo. 

Sa ngayon siguro habang nababasa mo to wala na ako. Alam kong nasasaktan ka ng sobra, ako din Mingyu sobra sobra. Bakit kailangan maging ganito lahat? Bakit nung binalikan mo na ako, ako naman ang mang iiwan? Di ko matanggap at ayokong isipin na iiwan na kita pero kahit anong pilit ko sobrang nasasaktan parin ako. Gusto kitang titigan araw araw, gusto kitang yakapin araw araw, gusto kitang makasama habang buhay pero bakut ang lupit ng tadhana satin?

Wala tayong magagawa kundi ang tanggapin nalang to diba? Alam kong isa sa mga araw na to ay mawawala na ako at iiwan na kita.  Sorry Mingyu kung ganito ang mangyayari. Sorry kung sobra sobra ang pag iisip ko sayo dati nung iniwan mo ako na napabayaan ko na ang sarili ko. Mahal na mahal kita sobra pa sa buhay ko. Natutuwa akong sa maikling panahon ay nag mahalan tayo sa isa't isa pwe.

Ngayon, punasan mo na ang luha mo. Kung anjan lang ako sa tabi mo malamang ay niyakap na kita. Nasasaktan akong makita kang umiiyak. Kaya wag na wag ka ng iiyak ng dahil sakin ha? Andito ako lagi pinapanood ka. Mahal na mahal kita mingyu at gusto kong i let go at kalimutan mo na kung anong nararamdaman mo para sakin. Alam kong hindi ganun kabilis, it takes time pero sana tulungan mo ang sarili mo at wag mong pabayaan gaya ng ginawa ko noon sa sarili ko. Pag ikaw sumunod sakin masasapak kita ng di oras tandaan mo yan! Wag na wag mong babaguhin sarili mo at mag mahal ka ulit. Tatanggapin ko at magiging masaya para sayo. 

Mahal na mahal kita Mingyu. Hindi man tayo nag karoon ng closure o break up, ako na ang gagawa ngayon dito sa pamamagitan ng sulat. Alam nating parehas na wala na ako at ayokong matali ka sakin habang buhay, gusto ko mag mahal ka at bumuo ng pamilya. Humanap ka ng babaeng mag aalaga sayo, aba gawin mo ang sinasabi ko dahil sayang ang genes mo! Ang pogi mo negrong Mingyu kaya maganda at gwapo ang magiging anak mo kasi alam ko din na maganda ang mapapangasawa mo. 

Pinapakawalan na kita Mingyu, ito lang ang kaya kong gawin e. Mahal na mahal na mahal kita alam mo yun. Sorry kung naiwan kita alam ko namang maiintindihan mo. Mag pakasaya ka at alam ko namang hindi mo ako makakalimutan, walang kalimutan ha? Ikaw at ikaw parin ang nasa puso ko, mahal ko.

Parehas nating tanggapin ang malupit nating tadhana.

Love, Wonwoo.


-

THE END

Nostalgia •Meanie• Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon