46

171 6 1
                                    

Wonwoo

Dahan dahan akong tumayo pero may kumalabit sakin.

"HEHEHEHE TANGINA"

"San ka pupunta?" tanong ni Jihoon sakin habang nakapikit pa. Sabi ko na nga bang hindi ako magaling sa takas takas na to eh. Dali na, baka nag hihintay na si Mingyu sa labas.

"Nagugutom ako eh." napamulat siya ng mata, yung biglaan? Kaya nga gago nagulat ako sakanya. Ihahampas ko na sana yung gitara na nasa tabi ko eh. Mukhang zombie amputa

"Samahan kita? Nagugutom rin ako eh" paano biglang nagutom ang isang to na kamumulat lang ng mata?

"Wag na gago. Matulog ka na lang." kinumutan ko pa siya ng maayos. Ang bait ko no?

"Gago hayup bumalik ka dito ha."

"Oo matulog ka nalang... Tusukan kita ng sleeping pills jan kung di ka pa matutulog ngayon."

"Hampasin kita jan eh!" patayo na siya ng bigla na akong tumakbo palabas ng pintuan. Mabuti naman at may lock dito sa labas ng pintuan kaya na-ilock ko na si Jihoon sa loob. Mag dusa siya, kahit hampasin na niya ako ng gitara bukas basta makasama ko lang si Mingyu.

Nostalgia •Meanie• Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon