62

165 1 0
                                    

Mingyu

Itinapon ko ang mga bagay na pwedeng maitapon ko. Wala akong pakialam kung masira man ito. Walang mas masakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Pinapatay ako sa loob, hindi ko alam putangina talaga.

"Mingyu, kalmahan mo." suway ni Jihoon. Lumapit sila ni Seungcheol saakin at inaawat na ako. Di ko sila pinansin at tuloy tuloy lang na pinag sisipa at pinag susuntok ang pader.

Buhay pa ba ako? Wala na kasi ako maramdamang sakit o kahit ano. Namamanhid na ang buong katawan ko.

Sana ako nalang 'tong mamamatay. Napaka walang kwenta ko.

Kung di sana ako umalis dati.

Kung Inintindi ko muna siya dati.

Kung binalikan ko pa sana siya ng mas maaga.

Di mangyayari ang putanginang to.

Ako lahat ang may kasalanan.

Ano nalang ako kung wala siya?

Ano nalang itsura ko kung wala na ang mundo ko?

Ano nalang ako kung wala na si Jeon Wonwoo ko?


Nostalgia •Meanie• Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon