17

297 12 2
                                    

Wonwoo

Pag bukas ko sa pintuan, nandun na siya sa harap. Tangina ang gwapo hehehe

"Wonwoo..." mabilis niya akong niyakap ng sobrang higpit. Sht di ako makahinga pero at the same time gusto kong ikulong niya ako sa sobrang higpit niyang yakap.

"M-mingyu..." nahihirapan na akong huminga pero gusto kong maramdaman yung putanginang yakap niya na 5 years kong hindi naramdaman.

"I miss you..." buti nalang binitawan niya ako.

"O-okay ka lang ba?" napahawak ako sa puso ko tangina ano nanaman to? Hingal na hingal akong hinahabol ang hininga ko habang nag aalala na nakaalalay sakin si Mingyu.

"ANONG GINAWA MO MINGYU HYUNG? ALAM MO BA NA MAY S—" tangina!

"BOHYUK JEON!" napatigil siya sa pag sasalita at tumingin sakin. Sinamaan ko siya ng tingin kaya alam niya na siguro ang ibig sabihin. Hindi niya pwedwng sabihin kay Mingyu yun ng ganun nalang kadali, putangina kung natuloy niya pa yun.

"ALAM MO BA NA MAY SALTIK SA UTAK YANG SI WONWOO HYUNG KAYA NAG PAPANGGAP LANG YAN? YAK KINIKILIG LANG YAN." habang sinasabi yun ni Bohyuk, sinubukan kong kumuha ng maraming hangin kaya mejo kumalma na ako pero masakit parin puso ko.

"O-oo nga..." humugot ulit ako ng hangin at ngumiti. "N-nag... Papapanggap... *breathes* lang ako HAHAHAHA."

Umalis si Bohyuk sa harap namin at tinignan niya ako ng 'hyung hindi mo ba sasabihin sakanya?' kaya umiling muna ako at sinabi ang mga katagang "Wag muna"

Pumasok kami ni Mingyu sa kwarto ko. Nakayakap siya sakin habang ako naman nag iisip. Tangina di niya kaya nahalata ang nangyari kanina?

"Ayos ka lang ba talaga?"

"Oo naman tangina mo. Ang higpit kasi ng yakap mo. Feeling ko mapipisa na ako."

"Eh nung niyayakap naman kita dati, di ka naman ganun ah." sinapak ko siya para matakpan yung lungkot na nararamdaman ko. Tangina so mejo napapansin niya nga?

"Gago ang tagal na nun. Syempre nagulat ako sa pag punta mo dito kanina. Masyado akong na-excite, bigla mo rin kasi akong niyakap kanina kaya di na ako nakahugot ng sapat na hangin." nginitian niya ako at inakbayan. Sabay kaming humiga sa kama habang ang isang kamay niya ay ginawa kong unan.

Nakatingin kaming parehas sa kisame.

"Wonwoo... Mingyu... Forever." binasa niya ang nakasulat sa kisame at natawa.
"Hindi mo parin nililinis yun?"

"Bakit ko naman lilinisin? Tayo ang nag sulat jan. Ayoko nga. Atsaka totoo yan no, forever talaga tayo..."

Forever na kahit alam kong ako naman ang mag iiwan ngayon.

"Wonwoo... pwede na ba akong makipag balikan sayo?"

Tumingin ako sakanya at di ko alam kung bakit pumatak ang luha ko dahil sa sinabi niya. Siguro ako palang yung nasasaktan ngayon pero pag nalaman niya baka triple ang bumalik na sakit sakanya. binalikan niya ako pero putangina ako naman ata ang mang iiwan.

Tumango ako dahil di ko na alam kung paano ko sasabihin. Kinakabahan ako na baka ang masabi ko ay "may sakit ako. Mamamatay ako" tangina. Bakit ba kasi ngayon pa?!

"Mingyu... Mahal na mahal na mahal kita. Tatandaan mo yan kahit na anong mangyari ha?" natawa siya sa sinabi ko.

Sige, tumatawa ka ngayon pero pag nalaman mo hinayupak baka ikaw pa ang unang mas mamatay sakin dahil masakit.

"Bakit mo sinasabi yan sakin na para bang nag papaalam ka?" kasi putangina kahit kailan pwede na akong mamatay dahilan sa sobrang lungkot o sobrang saya kaya nga kino-kontrol ko ang sarili ko diba?

"Gago. Baka kasi iwan mo ulit ako." putangina ang sakit Shit

"Sinong nag sabi na iiwan ko ulit ang Wonwoo ko? Syempre hindi na. Kung nung una ako ang nang iwan, dapat ngayong pangalawa wala na..."

"Wao. Ang unfair mo naman ata! Edi dapat ngayong pangalawa ako naman ang mang iwan diba para fair?" tangina oo kasi mang iiwan talaga ako. Any moment pwede na akong mamatay, baka nga huling araw ko na ngayon dahil masaya ako ngayon shit at ng dahil nanaman to kay Mingyu.

"Luh. Wag naman. Ang sama mo naman kung iiwan mo ako. Ano to? Bawian?"

Natawa ako sa sinabi niya at umiling. Ang saya naman. Natutuwa ako tangina.
Ang sakit.

Pasensya Mingyu kung maiiwan kita ngayon.

Nostalgia •Meanie• Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon