18

229 12 0
                                    

Minghao sent you a message

Minghao: Hoy kala ko ba susunduin ka ni Mingyu

Minghao: Bakit siya nakitulog sainyo?

Minghao: Aba may nabuo na ba?

Wonwoo: Gago talaga to

Wonwoo: Yung ginawa niyo ni Jun kagabi, pinapasa mo saamin

Minghao: Wala kaming ginawa kagabi gaga

Minghao: Pero bakit ang aga mong nagising? O di ka lang talaga natulog?

Wonwoo: Di ako natulog

Minghao: Wao ha. Goodluck mamaya... Baka ikaw ang unang antukin.

Wonwoo: Oo bahala na.

"Wonwoo..." nagulat ako sa biglang pag yakap sakin ni Mingyu, back hug.

"Okay ka lang?" huh? Ano daw? Bakit naman? Humarap ako sakanya at dun ko lang napansin na lumuluha pala siya. Nanaginip siguro siya.

"Bakit ka lumuluha?"

"W-wala. May napanaginipan lang ako pero impossible namang totoo." ngumiti ako pero natatakot rin ako. Pano kung yung napanaginipan niya pala ay yung mismong pagka-patay ko?

"Ano ba yung napanaginipan mo?" sinusubukan kong umakto ng normal nung tinanong ko sakanya yun. Natatakot ako sa kung anong isasagot niya. Sumasakit na ulit yung dibdib ko.

"Wala yun hahaha. Ano ba..." hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko...

"Forever?" nanlumo ako sa sinabi niya hehe tangina forever daw eh mamamatay nga ako.

"forever ☺"




Nostalgia •Meanie• Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon