63

191 1 0
                                    

Mingyu

Madaling araw pa lang ay pumunta na ako sa bahay nila Wonwoo. Kailangan ko siyang makita at makasama sa huling pag kakataon.

Sinalubong ako ni Bohyuk. Namamaga ang kanyang mata kaya di ko mapigilang panghinaan ng loob. Sa totoo lang gustong gusto ko ng umiyak, mali, kahapon pa pala ako umiiyak. Wala ng mas sasakit pa sa pag iwan sayo ng taong mahal mo.

"Tulog pa siya. Wag mo munang istorbohin." Di ako umakyat sa kwarto ni Wonwoo dahil ayaw ko rin siyang maistorbo.

"Umupo ka dun sa sala Hyung. Mag hintay ka nalang hanggang sa mag tawag siya"

"Bohyuk~" tumayo ako at agad tumakbo paakyat nung narinig ko yung nanghihinang boses ni Wonwoo.

Dahan dahan akong pumasok sa pintuan habang tinitignan siya. Nag uunahan ng umagos ang mga luha galing sa mata ko. Tangina, di ko naisip na dadating kami sa puntong ganito.

Nag simula na siyang umiyak. Gustuhin niya man na tumayo para maabot ako ng mabilisan ay hindi na niya kaya. Namumutla siya. Sobrang puti ng kanyang mga labi.

"Wonwoo..." lumuhod ako sa harap niya at nakayuko lang.

"Kasalanan ko lahat neto. Dapat ako ang nakahiga jan at hindi ikaw. Wonwoo, ilipat mo na ang sakit mo sakin. Ako dapat ang mamamatay at hindi ikaw." walang tigil ang pag patak ng mga luha ko. Di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Ang sakit. Tangina ng maraming beses. Sinasaksak ako ng ilang beses. Di ko kaya to.

"Mingyu... Mahal kita. Mahal na mahal na mahal na mahal." mas lalo akong naiyak sa mga binitawan niyang salita. Bakit ba kailangan na ganito pa siya?

"Mahal na mahal na mahal na umabot sa punto na pati sarili ko napabayaan ko kaya ako ganito ngayon. Kasalanan ko ba? Kasalanan ko bang sobrang minahal kita?"

Putangina. Ang sakit. Ano bang mga sinasabi niya?

"Mingyu sorry sa lahat ng mga kasalanan na nagawa ko sayo. Mahal na mahal kita, di ko alam kung pano ipakita. Di sapat ang mga salita. Di pa sapat ang buhay ko para sabihing mahal na mahal talaga kita."

"Mingyu ayos lang na nahihirapan ako ng ganito, ikaw naman ang dahilan. Napasaya naman kita. Sumaya naman tayo, diba?

You're worth dying for"

Nostalgia •Meanie• Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon