51

175 8 1
                                    

Minghao

"Minghao?" nanlalaki ang mata ko at napatayo nung narinig ko ang boses ni Jun sa bintana. Woah. Nag ha-hallucinate ba ako?

Bigla kong binuksan ang bintana, mukhang nagulat siya kaya nahulog siya sa baba. Agad naman akong bumaba. Nakahiga parin siya at mukhang malakas ang pagkabagsak niya.

"Jun?"

"Nagulat ako sa pag bukas mo ng bintana." pinalo ko siya kaya napa-aray nanaman siya. Bakit ba kasi niya ako titignan?

"Lumayo layo tayo dito. Baka makita tayo ni Seungcheol hyung." tinulungan ko siyang tumayo at dahan dahan kaming lumabas sa gate.

Papunta palang kami sa pinaka malapit na convenience store ng bigla naming nakita sila Seungcheol hyung at Woozi.

"Woah!" mukhang nagulat din si Jun sa nakita niya.

"So bawal tayong mag meet tapos sila pwede?" pailing iling niyang sabi. Lumihis kami ng daan para di nila kami makita. Umupo kami sa bench

"Sorry..." sabi ko kay Jun habang nakayuko. Nabigla naman ako ng hawakan niya ang kamay ko pero tinanggal ko ito

"Minghao... Sorry." lumapit siya saakin at mabilis na idinikit ang labi namin sa isa't-isa.

Nostalgia •Meanie• Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon