Mingyu
"Dito mo mismo tinanong kung pwede mo akong ligawan." tumigil si Wonwoo sa pag lalakad at niyakap ako. Di nanaman matigil ang pag iyak niya. Sobrang namumugto na mata niya pero di parin siya tumitigil kakaiyak. Alam kong sobrang hirap ng dinadanas niya. Ang gago ko kasi. Kasalanan ko lahat.
"Sorry Wonwoo. Kasalanan ko-"
"Ssshhh. Wala kang kasalanan. Wag mong sisisihin sarili mo atleast binalikan mo ako. Kung hindi ka siguro bumalik, patay na ako ngayon hehez." naluluha nanaman ako. Ayoko munang ipakita kay Wonwoo yung side ko na to. Ang pagiging malakas lang siguro ang kaya kong itulong sakanya ngayon.
"Dito nag simula lahat, gusto ko dito rin mag tatapos lahat"
Wtf?
Kumuha ako ng tissue dahil biglang dumugo ilong ni Wonwoo. Damn. Damn.
"Mingyu, masaya ka ba?" tumango nalang ako at ngumiti kahit ang totoo ay ang sakit sakit na. Di ko kinakaya lahat ng mga binibitawan niyang mga salita. Di ko kaya na parang pinapatay na talaga ako sa loob loob ko.
I love you, Wonwoo.
BINABASA MO ANG
Nostalgia •Meanie•
Fanfiction[HALF EPISTOLARY] "Wonwoo, bumalik ako kasi mahal parin kita..." Book 2 of Seen