After 5 months
Mingyu
"Andito ka rin pala."
"Ah oo dinadalaw ko lang si Seungcheol."
"Siguro masaya na sila ni Wonwoo sa langit."
Pagkatapos namin mag usap ni Wonwoo sa tree house dun na rin siya binawian ng buhay, di na siya nakapag paalam ng maayos sakin at ang huling salita na kanyang binitawan ay tinatanong kung masaya ba ako. Sa mga panahong yun sobrang nadudurog ang puso ko at parang patay na rin ako pero pinilit kong ipakita sakanya na malakas ako. Dinala ko siya sa ospital dahil wala ng tigil ang pag dugo ng ilong niya. Papunta palang kami sa ospital pero bumitiw na siya.
Buhay pa ba ako? Patay na kasi mundo ko.
After a week nung mamatay si Wonwoo ay nadisgrasya naman si Seungcheol hyung, car accident. Nawalan ng preno ang sasakyan niya at nahulog ito sa bangin. Masakit man tanggapin, parehas silang kinuha ng ganun kabilis.
Nag aadjust palang kami sa pagka wala ni Wonwoo ay mawawala na agad si Seongcheol hyung. Wala na ang tinagurian naming leader.
Wala ng mag papatigil saamin tuwing makukulit kami.
Wala ng mag papatigil saamin tuwing nag aaway away kami.
"Di pa ako nakaka move on Mingyu, masakit." tumingin ako kay Jeonghan hyung na ngayon ay umiiyak nanaman. Araw araw siyang umiiyak simula nung nawala si Seungcheol hyung.
"Sa tingin ko mahirap talaga maka move on pag namatay ang sinisinta."
Ngumiti siya at pinunasan ang mga luha kasabay nun ang pag dating ni Vernon.
"Nakikiramay ako."
Nung mamatay si Wonwoo at Seungcheol hyung, hindi pumunta si Vernon dahil sa pag aaway nila ni Seungkwan.
Nginitian lang namin siya saka tumango.
"Kumusta ka na pala?" tanong naman ni Jeonghan hyung sakanya.
"Eto gwapo parin haha."
"Mahangin ka talaga."
"Kamusta naman sila?"
"Si Lee Chan may girlfriend na. At ang ibang mga natirang couole dati ay nag hiwalay na at napag desisyunan na maging mag kaibigan nalang."
Nakakalungkot na wala man lang tumagal ang relasyon hanggang ngayon, maraming nangyari sa loob ng 5 buwan. Nag hiwa hiwalay na din kami pero mag kakaibigan parin.
"E kayo ni Seungkwan? Simula din nung namatay si Seungcheol hyung wala na kaming balita kay Seungkwan." ngumiti ng mapait si Vernon.
"Wala na din si hyung e."
BINABASA MO ANG
Nostalgia •Meanie•
Fanfiction[HALF EPISTOLARY] "Wonwoo, bumalik ako kasi mahal parin kita..." Book 2 of Seen