14

394 18 0
                                    

CHAPTER 14 ✨

Ah sya pala yung Marco..

Andito daw si Dale, ito daw yung room nya, can i come in?

Ahh sya pala yung boyfriend ni Maymay hmm.. matangkad, kasing tangkad ko, ayos din, pero mas gwapo ako syempre! Sino pa ba naman ang maniniwala sa sarili ko diba? Tumango lang ako tapos pumasok na sya sa loob, edi syempre sumunod ako kase dun naman talaga ako pupunta.

Pagpasok ko sa loob, kinakausap na ni Kisses yung si Marco, hmm para bang kalmado, tapos parang tahimik na ewan! Kinikilabutan tuloy ako. Maya maya gumising na si Maymay tapos nakita nya si Marco, nag smile lang sila sa isat isa. Bakit ganun? Parang parehas silang kalmado. Yung parang kabisadong kabisado na nila ang isat isa.. yung parang mag asawa na! Ewan ko ba parang kinikilabutan ako sa dalawang ito.

Hon, Anong nangyari sayo? Bakit ka nagkasakit?

Ah eh kase hon nilamig siguro ako, atat ako masyado sa swimming pool, sorry na!

Maya maya sumagot na si Marco.

Nagswimsuit ka ba?

Ah eh kasi sorry naman! Hindi naman sa gusto kong ipakita ang aking sexy bo---..

Ayan nagkasakit ka tuloy, sa susunod kase wag na. Wag ka ng mag explain, di ka magaling magsinungaling, tss.. magpahinga ka nalang dyan..

Pero ayos nako nuh? Hindi na masakit ang ulo ko.

Hinawakan naman ni Marco yung noo ni Maymay..

OO nga bumaba na yung sakit mo.

Oo kaya nga okay nako.

Tapos tumayo sya sa kama at nag stretching na parang walang nangyari sa kanya..

Gutom na ako, ikaw Marco kumain kana ba hon?

Ah hindi pa!

Tara lamunin natin yung mga pagkain dun.

LAMUNIN?? Parang ansama ng sasapitin ng mga pagkain, kinaladkad nalang ni Maymay ang boyfriend nyang napaka kalmado, bakit ganun yun? Parang may secret evil plan palagi..

So ayun na nga, sumunod kami sa baba. Nandun na yung mga tao. Tapos nagulat sila kay Marco.. so hindi nila sya nakita kanina? Eh paano nakapasok yan dito? Tss..

Pinakilala naman ni Maymay si Marco. Narinig ko pa ngang sabi ni Kristine na ang gwapo daw. Sus anong gwapo dun? Eh mas gwapo pa naman ako. Tsaka ang calm at tahimik nun. Parang may gagawing masama sayo. Tama ba ako? O ako lang nakakaramdam nun?

Ah Marco sya nga pala si Edward, yung kinukwento ko sayo.

Kinukwento? Ano naman kayang kinukwento ni Maymay dito kay Marco?

Ah ikaw pala si Edward, sya yung nakasabay ko pumasok sa kwarto mo kanina, palagi kang kinukwento sa akin ni Dale, lagi mo daw sya iniinis at binubwiset..

Tapos sinuntok suntok sya ni maymay sa braso. Maya maya lumapit na sa kanila si kisses, tapos lumapit naman si luis at yung iba...

Nanood na kami ng movie,  pag tingin ko sa kaliwa andun na naman si Kisses ano ba ito? Buntot ko? Asar! Pag tingin ko naman sa kanan, si Marco naka akbay lang kay Maymay, pero okay lang naman parehas kasi may itsura hindi katulad ng ibang mga lovers na nakatambay sa kanto.

Oyy Edward bakit ang tahimik mo, naiiyak kana nuh?

Asa ka naman!

Tapos tumawa si Marco.. maya maya dumali ng tawa si Maymay, eh halos lahat ng babae parang namatayan kakaiyak gawa ng movie..

Ano ba naman yan Marco, okay lang yan atleast naparamdam nya naman dun sa girl lahat diba? Wag ka ng umiyak hon..

What the? Umiiyak yung Marco? Ano ba yun? Eh ang angas ng dating tapos biglang.. tss.. weird couple!

Tapos ayun binuksan ni Kristine na namumugto ang mata ang ilaw. Tapos anak ng umiiyak nga yung Marco.

Maya maya..

Kristine: oyy marco kwento mo naman kung paano kau nagkakilala ni dale..

Tapos kinuwento nya.. ganitong ganito ang kwento nya..

*FLASHBACK*

[ MARCO's P.O.V. ]

Naglalakad ako sa village namin naghahanap ng bata na pwedeng kalaro, kaso wala naman kase exclusive ang village. Masyadong OA ang mga parents sa anak nila, na baka daw madapa at magkasugat o kaya kagatin ng lamok. Ang parents ko ayos lang sa kanila yun. Mas okay daw na ang nilalaro ko ay  outdoor games kesa sa indoors.. hindi daw maganda sa bata yun. Ayos na sana kaso ayun nga wala naman akong makalaro, 8 years old nako nun ng makita ko ang malaking truck na punong puno ng gamit. Akala ko dati kung ano yun, kaya sinundan ko. Nakakita ako ng batang umiiyak, batang babae, nilapitan ko ito agad..

Oyy bata anong problema mo?

Huhuhuhuhu

Iyak lang sya ng iyak dun. Di ko na nga alam ang gagawin ko. Kasi nakatungo lang sya at iyak ng iyak. Di ko na makita ang mukha nya kase natatakluban ng buhok, kaya ang ginawa ko tumakbo ako sa playground para bumili ng cottin candy.. tapos bumalik ako at umiiyak padin yung bata. Kinulbit ko sya at binigay ang cotton candy, pagharap nya sa akin natuwa ako, ang ganda kasi nya! Kahit bagong iyak sya, yung buhok nya straight na straight ang haba ng eyelashes at ang cute ng damit. Nung panahon na yun, tuwang tuwa ako kasi alam ko sya ang magiging kalaro ko.

Salamat.

Pagkasabi nya ng salamat, ngumiti sya, napangiti din ako nun, tinanong ko kung bakit sya umiiyak?

Lumipat kase kami dito, binili ito ng papa ko, dito dapat kami titira kaso nagkaroon ng car accident at *sob* namatay si papa.. 😭😭😭😭

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon