154

248 14 0
                                    

CHAPTER 154 ✨

Tapos kinuha ko yung kamay niya. Hinigit niya ako at nilagay niya yung kamay niya sa bewang ko.

Waaaahh!! Sigaw ng mga babae sa gilid.

Tapos umalis na kami ni Edward.

Grabe lang gumawa pa tayo ng eksena doon!

Para alam nilang akin ka. Wala ng titingin.

Mas marami ngang tumitingin sayo ehh.

Oh? Di ko pansin.

Di daw pansin! Ang dami kaya!

Di ko pansin kasi ikaw lang ang tinitingnan ko.

Jusko! Magkaroon ka ba naman ng boyfriend na ganito ka sweet, pag di ka diniabetes at inatake sa puso, ewan ko nalang.

Tapos pumunta kami sa dept store dun sa mga accessories.. pili dito, pili doon..

Wala na bang ibibilis yan?

Sabi ko nga diba? May kasama ako. Bakit ba naman kasi hindi nag eenjoy ang lalaking ito na mag shopping!

Sungit mo!

Kasi naman inabot ka na diyan ng siyam siyam!

Sige na alis na tayo. >__<

Hanggang sa umalis na kami doon. Lakad lakad lakad.. ang sakit na ng paa ko..

Saan tayo pupunta?

Ewan ko sayo! Ikaw pina alis mo ako sa pagsashopping ko kanina.

Galit ka na niyan?

Ewan ko sayo!

Sus!

Tapos knurot niya yung cute kong bilbil.

Ito talagang oinky ko ang tampuhin!

Oinky?

Ayan oh.

Tapos kinukurot niya yung konting bilbil ko.

Taba mo!

Yabang mo!

Tapos kinurot ko yung kamay niya!

Taba mo din kaya!

Ano ka! Muscles yan!

May muscle bang malambot?

Oo yung akin. Tara na nga. Valentines pa man din ngayon. Lets do yung mga ginagawa ng normal couple sa Valentines day!

Normal couple? Abnormal ba kami? Baka siya lang!

Hinawakan niya yung kamay ko, tapos holding hands kami habang naglalakad.

Teka nga ano bang tawag dun sa ginagawa palagi yung may picture?

Ah.. eh.. huh?

Yung ginagawang sticker!

Ah neoprint!

Oh tara doon!

Nagpunta kami sa neoprint na stall. Nakita ko maganda yung cashier.

Maymay upo ka muna diyan. Kakausapin ko kung paano.

Ok.

Tapos naupo nga ako. Tiningnan ko yung mga pictures doon, puro barkada, tapos may mga couple din at..

O_______O

Shet! Picture namin ito ni Marco ah! Think. Think. Ay oo nga pala nakapagpapicture na nga pala kami dito noon.

Tiningnan ko si Edward, aba nakikipagtawanan dun sa cashier! Nainis ako bigla! Ewan ko ba!

Lumapit ako doon sa may cashier.

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon