157

213 13 0
                                    

CHAPTER 157 ✨

Si Tanner busy sa promotions ng Fifth Soul, minsan dumadalaw, at okay sila ni Edward. Hindi sila friends pero in good terms sila.

Araw araw kami nagkikita ni Edward at binibisita namin ang makulit na batang si Martan na naging close nadin kay Edward kahit madalas silang mag away!

Naging maayos naman ang lahat ng bagay sa amin. Masaya naman kami.. ^___^

At ngayon, naghahanda ako dahil sabi ni Edward may date daw kami. Nagpasalon pa ako dahil sabi niya formal date daw. Kasi palagi daw kaming mall lang ng mall. Dapat daw hindi ganoon. Kaya ayun nagprepare daw siya ng bonggang date para sa aming dalawa.. ^__^

Edward ko Calling..

Hello?

Hello babe? Ready kana ba? Mamaya na ang date natin ah. Sumipot ka naghanda ako para dun. Patay ka sa akin kapag hindi.

Baliw ka talaga Edward. Oo naman sisipot talaga ako. Sige na babu na!

Pssst.. i love you!

I love you more!

Sabay kaming tumawa sa phone. Pagkatapos nun bigla akong kinabahan. Ganoon ba talaga kapag nagpeprepare ng bongga ang boyfriend mo?

Anyways katatapos ko lang magpaparlor!!

Oo nagpaayos talaga ako ng buhok. Pinakulot ko lang naman. Nagpamake up nadin ako.

5pm nadin ng hapon. Magkikita kami ni Edward ng 7pm. Uuwi lang muna ako sa bahay para magpalit ng damit. Sabi niya kasi magdress daw ako. Siyempre yung purple dress!

Pagkarating ko sa bahay, nakasalubong ko ang Mommy ko. Ibang iba ang aura niya, napansin kong siya ay umiiyak..

Mommy bakit?

Ah wala to. Ngayon ba ang date nyo ni Edward? Enjoy kayo ha.

Ma, anong meron? Bakit ka umiiyak?

Tuluyan ng umiyak si Mommy. Yumakap siya sa akin. Naluluha nadin ako. Ayoko ng ganito. Ayokong nahihirapan ang Mommy ko.

Anak yung business partner namin niloko kami, hindi mahanap. Tapos ngayon, yung last na kumpanya na pwedeng magpaloan sa amin tinangggihan ang request namin. Hindi ko na alam ang gagawin ko anak. Kumpanya natin yun. Yun nalang ang alaala ng Daddy mo sa akin. Hindi yun pwedeng mawala.

Para akong binagsakan ng langit.

Bakit ganito?

Bakit nangyayari ito?

Kung kailan naman ayos na ang lahat.

Ayos na kamk ni Edward.

Wala ng problema.

Biglang may papasok na naman na problema.

At ang masaklap wala akong magagawa sa problemang ito.

Mommy sorry, wala man lang akong magawa.

Umiyak nadin ako. Kaya siguro ako kinakabahan kanina. Dahil sa bad news na ito.

Anak. Wag kang mag sorry. Ako dapat ang magsabi noon, hindi ko nahandle ng ayos ang kumpanya, nagtiwala kami sa taong hindi dapat pagkatiwalaan. Sorry anak.

Okay lang po. Kahit anong mangyari, maaayos natin ito. Isa pa company natin yan. Sa mga Entrata yan. Kaya tiwala lang po Ma.

Umiyak siya habang nakayakap sa akin, hindi ako sanay ng ganito.

Isa nalang ang naiisip kong paraan.

Ang pagmomodel ko na inaalok ni Tanner at Cora.

Kapag naging model ako sa ibang bansa, kikita ako ng malaki at pwede kong isave ang company.

Pero hindi pwede, kasi ayaw ni Edward.

Maiiwan siya dito. Isa pa kasama ko si Tanner, alam nyo naman yun si Edward seloso. Pero kapag inexplain ko naman ng maayos siguro naman papayagan niya ako. Kakusapin ko nalang siya mamaya.

Pumasok ako sa kwarto ko.

Si Mommy kinakausap si Dad (Tito Kevin) hindi pa siguro alam ni Edward ang nangyari. Pero apektado din sila dahil nag-elope yung business namin.

Nagpalit narin ako ng damit, magpapahinga muna sana ako kaso biglang tumunog ang phone ko.

Unknown Number..

Sino naman kaya ito?

Hello?

Dale?

Yah! Who's this?

Mama ni Edward.

Bigla akong nanigas doon. Mama ni Edward? Alam ba niya na magkikita kami ng anak niya ngayon?

Ba-Bakit po?

Pumunta ka sa may playground ng compound natin.

Why?

We have to talk.

Tapos bigla nalang niyang binaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano na namang sasabihin niya? Kinakabahan ako. Pero kahit anong mangyari hindi ko isusuko si Edward.

Pumunta ako sa may playground katulad ng sinabi niya. Nakita ko siya nakaupo sa swing. Naka pantalon at tshirt. Ang simple. Anong meron? Kinakabahan ako.

Dale.

Tiningnan niya lang ako. Tiningnan ko lang din siya.

Iwan mo na si Edward.

Tulad nga ng naiisip ko yun nga ang sasabihin niya.

Hinding hindi ko isusuko si Edward kahit anong mangyari. Lalaban ako kasama siya.

Iwan mo na si Edward.

Inulit lang niya.

Hindi Tita.

Napaupo siya sa may damuhan. At nakita kong umiiyak siya.

Anong problema niya? Kasi kung drama lang ito hindi ako magpapadala. Hindi ko isusuko si Edward. Ayoko.

Dale please iwan mo na si Edward.

Hindi ko po gagawin yun. Hinding hindi.

Alam kong mahal mo ang anak ko. At alam kong ayaw mo sa akin. Dahil ang dami ko ng ginawa para paglayuin kayong dalawa. Pero please, layuan mo na siya.

Umiiyak siya. Bakit? Hindi niya ako matanggap para sa anak niya na kailangan niya pang lumuhod sa harapan ko at umiyak?

Dale I'm dying!!  I have Leukemia..!

What?! O____O

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon