122

236 13 0
                                    

CHAPTER 122 ✨

Si Pj ang babero sa amin. Palibhasa maganda ang boses. Madaling mahumaling sa kaniya ang mga girls. Isa pa siya ang main vocalist ng banda.

Si Ken taken na ang puso niyan. Ng aking pretty sister na si Trixie.

Si Tyler siya ang makulit sa amin.

Si Hans siya yung pinaka seryoso. Siya ang pinakabata sa amin pero pinakamature mag isip.

Ako? Ako ang pinakamatakaw.. hahaha di joke lang! Ako raw ay mahilig sa chicks..

Pj: Si Tanner habulin ng chicks.

Ken: Yan ang the best.

Tyler: Siya ang kalaro ko sa lahat. Sinasabi niya na makulit raw ako, eh siya rin naman. Lalo na pag nandiyan si Manager Cora. Kunwari pa itong si Tanner eh?

Hans: Si Tanner wala yang ibang inisip kundi pagkain.

Wow ang sweet nila di ba?

Eh bakit hindi natin itanong kay Manager Cora kung anong ugali ko?

Ehem Managee Cora ano nga bang tingin mo sa akin?

Tyler: May pagtingin si Manager sayo!

Nag appear pa sila ni Pj.

Manager Cora: Si Tanner ay isip bata, spoiled, matakaw, palaging nakapout, iyakin, habulin ng mga babae, mapagmahal sa family and friends and sa Fifth Soul.

Hans: So Manager Cora Mahal mo?

Manager Cora: Loko ka Hans! Umayos nga kayo! Magpraktis nalang kayo ng kanta!

Ken: Higpit naman ni Manager. Wala bang pahinga?

Manager Cora: Hindi ka pa nga nagsisimula magpapahinga kana? Ikaw talaga!

Nagpractice kami ng kanta. May gig kami sa darating na sabado eh. After 20mins tinawag ako ni Manager Cora.

Oy bakit?

Tanner may pictorial ka.

Oh?

Ako lang?

Oo.

Bakit ako lang? *pout* di ka sasama?

Siyempre kasama ako. Hindi lang kasama ang banda.

Eh bakit ako lang?

Kasi immodel mo ang mga products ng Penshoppe.

AY naku!

Hahaha okay lang yan, may kasama ka naman magmodel. Girl na model. Popular siya. At nakita ko sa picture maganda siya.

Pj: Sa mata ni Tanner wala ng gaganda pa kay Manager Cora. Diba Hans?

Tyler: Oo nga! Appear!

Si Pj at Tyler ang mahilig mang asar sa akin. Si Ken kakampi ko yan kasi nagpapalakas yan sa akin dahil sa kapatid ko. Si Hans naman depende sa mood ng taong yun.

Pagkatapos ng konting praktis tinawag na ako ni Manager. Aalis naraw kami para sa photoshoot.

Sa van as usual tulog ako at nakasandal ako sa balikat ni Manager Cora.

Hoy bumibigat ka ah? Overdose kana ata sa kakakain!

Antok ako manager cora. Wag mo akong kausapin.

Pasaway!

After nun natulog lang ako at pagkagising ko tulog rin si Manager Cora. Kawawa naman pagod kahahandle sa amin. Kukulit kasi namin eh? Pero inaalagaan rin namin yan si Manager Cora kaming lima. Siya ang Queen namin. Bawal na may manakit kay Manager Cora. Kung hindi lagot sa amin yan!

Noong nandun na kami sa lugar para sa photoshoot. Inayusan nila ako. Make up tapos yung damit na imomodel. Maya maya pumasok si Manager Cora.

Uy ready ka na?

Yes boss!

Maya maya pupunta na dito yung model na sinasabi ko sayo.

Oh?

Oo nga. Sige alis nako.

Dito ka na lang Manager. Wala akong makausap dito!

Kaso kailangan nila ako sa labas Tanner!

Eh Manager Cora dito ka lang!

Tapos hinila ko siya at naupo sa may upuan.

Ms. Cora!!!!!!

Hala kitams? Kailangan nila ako doon Tan-tan!

Tan-tan ka diyan! Hmp! Hayaan mo na sila!

Sira ka talaga!

Maya maya pumasok yung isang staff. Chineck kung okay na yung imomodel ko.

Okay everything's okay na pala. Papapasukin ko na yung model na makakasama mo sa photoshoot na ito.

Tumingin lang ako sa staff. Tapos bigla siyang sumigaw..

Ms. Heaven Peralejo!!!!!

Tapos may babaeng pumasok.

Ang ganda niya..

Oh pare tunaw na.

Napatingin ako kay Manager Cora na ang lapad ng ngiti.

Pasensya naman Manager Cora. Maganda siya eh? Siya ba ang makakasama ko sa pagmomodel? ^_______^

Ngiti mo! Pakipot naman ng konti! Sige galingan mo sa pagmomodel!

Siyempre kakausapin ko muna yung makakasama ko sa pagmomodel.

Sus sige at marami pa akong aayusin dun sa labas.

Tapos umalis si Manager Cora busy talaga nun kahit kailan. Ako naman nilapitan ko yung maging partner ko sa pagmomodel.

Hi ^___^ Ako nga pala si Tanner Mata. Ako yung magiging partner mo. ^___^

Inabot ko yung kamay ko. Kaso tinitigan lang niya ako.

Don't get me wrong. Wala akong balak na ligawan siya. I'm not making a move. Friendly lang talaga ako. Kaya si Pj akala palagi akong chickboy.

Maganda siya, pero masungit.

Tiningnan niya lang ako. Tapos bigla siyang tumawa.

Seriously? Your Name is Tanner?

I'm serious.. ^___^ What's your Name?

I'm Heaven Peralejo. Well you're weird. But i'm a professional so let's just do this.

Tapos umalis siya.

Ui bakit nakangiti ka diyan? Nakascore ka nuh?

Ano Manager?

Ay naku. Mag aral ka pa po ng tagalog ha? Sige na start na.

Tapos nagstart na ang photoshoot. Napapatingin talaga ako kay Heaven.

Stop staring.

Ay sorry.

Hahaha you're funny.

^______^

Tapos nginitian niya lang ako. Ang ganda naman niya. ^___^

Oy pare.

Oy Manager Cora.

Ikaw talaga. Cheesy nyo nun ah?

Ikaw talaga Manager. Selos ka agad?!

Asa ka naman! 😒

Sus! Tara na balik na tayo sa dorm! Please? Gutom na kasi ako! Please... please... please...

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon