76

284 16 2
                                    

CHAPTER 76 ✨

[ MARYDALE's P.O.V. ]

Edward!

Hinabol ko siya. Nandito na kami sa Garden. Ewan ko pero nung tumalikod sya sa akin nasaktan ako. Parang may malaking parte sa akin na mawawala. Hindi ng katulad ng iwan ako ni Marco. Dahil alam ko sa sarili ko ang mga mawawala sa akin. Pero ngayon ewan ko. Blanko. Ang alam ko lang ayokong iwan ako ni Edward. Sige iwanan nako ni Marco ulit pero wag lang si Edward.

Tiningnan lang niya ako. Ano bang problema? Galit ba siya sa akin?

Kelan ba magiging ako Maymay? Kelan ba?

Kailan magiging siya? Nagagalit ba siya dahil si Marco ang pinili ko kaninang umaga doon sa store ni Ate Thuy?

Edward what's wrong? Are you mad at me? Bakit ka ganyan? Dahil ba sa mga sinabi ni Loisa? Sorry na. Yung tungkol sa kanina I have to pick Marco kasi kapag nabadtrip yun, nanununtok nalang yun, kaya ayaw kong mangyari yun. Baka kung anong gawin niya. Wala siya sa sarili kapag ganoon. Tsaka kasi...

TUMIGIL KA NA!!!

O___________O

Sinigawan niya ako? Lagi syang sumisigaw. Pero hindi pa niya ako sinisigawan ng seryoso siya at galit.

I'm sorry Edward.

Sorry? Diyan ka naman magaling eh? Sa sorry! Palagi mo akong dinadaan sa sorry mo! Lagi mong inuuna ang iba! Bakit dahil fiance mo ako? Dahil sa alamong di kita iiwan? Hindi kita bibitawan? Kaya malakas ang loob mo na iwanan ako? Na si Marco ang piliin mo! Yung kanina masaya kaba sa sinabi ni Loisa? Dahil arranged lang din sila ni Marco. Na pwedeng maging kayo ulit? AT syempre ano bang magagawa ko? Anong karapatan kong pigilan ka? Wala naman diba? At kapag binalikan ka niya ano? Siyempre magsosorry kana lang ulit sa akin. Nakakainis.

Hindi Edward. Hindi kita kayang iwanan. Ngayon pa at alam kong hindi ako magiging masaya na wala ka. Ngayon pa na ayaw kong mawala ka sa akin. Hindi ako masaya na pwede kaming magbalikan ni Marco. Masyadong magulo. Pero ayoko na iwanan ka.

MAYMAY!

Seryoso siya! Ako umiiyak na. Bakit sobrang sakit? Ayokong sinisigawan niya ako. Ayokong ganito siya sa akin. Ayokong magalit siya sa akin.

MAYMAY NAIINIS AKO! bukod sayo at sa mga pinag gagawa mo.. naiinis ako sa sarili ko! Kasi kapag nagsosorry ka...

HINDI KITA MATIIS..!

Palaging isang sorry mo palang wala na sa akin. Hindi na ako galit. Isang ngiti mo lang nawawala na yung inis. Kapag nakikita kita, humihina ako! Kapag nakikita kita hindi kita matiis!

Tumigil siya at.. umiiyak na..

Maymay..

Biglang humina ang boses niya..

I was hoping kanina na kahit alam kong walang himala, ako ang pipiliin mo. You said you're tired of crying? Akala ko ba ayaw mo na? Pero ikaw ikaw padin ang pumili na masaktan ka. I just want you to be happy. Hindi kita sasaktan. Alamo yun. Handa kitang protektahan pero bakit ba ayaw mong gawin ko yun sayo? Dahil ba gusto mong si Marco lang ang poprotekta sayo? Na gusto mo siya lang? Nilalayo kita sa kanya pero lumalapit ka! Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko. Ayaw kitang masaktan. Yun na ang huling gagawin ko sa buhay ko. Ang saktan ka.

Edward wag kang iiyak. Nasasaktan ako. At hindi katulad ng sakit na naramdaman ko noong iwan ako ni Marco. Iba yung sakit na nasasaktan ang tao dahil sa akin. Alam kong ayaw mo akong saktan. Ramdam ko naman yun. Alam ko naman sa tuwing katabi kita at kasama kita.. pakiramadam ko walang makakapanakit sa akin dahil nandiyan ka. Kanina lang kailangan kong piliin si Marco kasi magwawala yun masama mabadtrip yun eh?

Maymay bakit ba ganun? Bakit ba si Marco nalang ng si Marco? Handa akong tulungan ka. Iyakan mo ang polo ko wala akong pakialam. Pero bakit ba ayaw mo akong hayaan na bantayan ka? Na protektahan ka? Kaya ko! AT gusto ko! Nandito lang ako! Kahit saan sasamahan kita. Ayos lang sa akin na awayin mo ako at ng awayin basta kasama kita. Wag lang si Marco. Wag lang siya. Bakit ba ayaw mo akong pabayaan na...

Na??

Ako ang maghawak at magbantay diyan sa puso mo?

Anooo dawww???

Maymay handa akong bantayan ka, patawanin ka, samahan ka kapag nag iisa ka, tulungan ka sa trigo mo, ipagdrive ka, ipagdala ka ng bitbit mong gamit pagkatapos mo magshopping, magluto ng pagkaing gusto mo, magpaypay sayo sa gabi kapag walang kuryente, kantahan ka para makatulog ka, sayawan ka para maaliw ka, kamutin ang likod mo, pindutin ang remote at ilipat sa Cartoon Network o Disney Channel kahit mamiss ko ang laban ng NBA, itakbo sa ministop para ibili ka ng napkin kahit na pagtinginan ako ng mga tao at higit sa lahat.....

Mary Dale Entrata..

Inilagay niya yung kamay niya sa mukha ko, at lumapit sa akin, tinitigan ako sa mukha.

... handa akong MAHALIN KA! I want love you!

I want to be with you. Share everything with you. Spend my life with you. Anything related with you.

Weh???

Ano ba Maymay! Seryoso ako dito! Panira ka! Nagtatapat ako ng damdamin dito tapos WEH? lang sagot mo! Ano kabang klaseng babae? Saan ka ba galing at pinunta kapa sa buhay ko?!

Ayan na naman po siya sumisigaw.

Excuse me, mister.. kung ayaw mo na ako sa buhay mo, pwede naman ako uma--..

Subukan mo! Subukan mong umalis. Makikita mo!

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon