156

229 14 0
                                    

CHAPTER 156 ✨

Ano kaya ang gagawin ko kung hindi kita nakilala?

Siyempre may makikilala kang iba.

AT ikaw, si Marco ang kasama mo?

Siguro.

Hmm.. baka nga lahat ng to, plano ng diyos.

O___O nagulat ako sa sinabi ni Edward. Kasi hindi naman siya religious.

Maymay promise me, I'm the one you're gonna marry.

And who else will I marry?

Baka kasi magsawa ka sa akin.

Buti alam mo.

Ano?

Joke! Siyempre hindi diba?

Tapos kinurot lang niya ako sa cheeks. Lagi nalang hay..

Maymay.

Oh?

Let's get married.

Are you proposing?

Obvious ba?

Tinulak ko nga siya.

Bahala ka. Magpakasal ka mag isa mo!

Oh bakit?

Ang baduy ng proposal mo!

Ang sabihin mo ayaw mo magpakasal sa akin.

What?

Totoo naman eh.

Ikaw nga ang gusto kong pakasalan!

Eh bakit ayaw mo pang um-Oo?

Kasi ang baduy ng proposal mo!

Kahit gaano kasimple ang proposal ng taong mahal mo, basta mahal mo tatanggapin mo! Ako ata, hindi mo mahal eh!

What? Sinasabi ko lang na sana magprepare ka!

Nagsisigawan na kami doon. Yung ibang couple na katabi namin umalis na.

Sabihin mo lang kung ayaw mo magpakasal sa akin. Hindi naman kita pipilitin.

Nakita ko ang mukha niya parang nalugi. Hinawakan ko nalang ang kamay niya.

Edward hindi kasi ganoon, maarte kasi akong tao at gusto ko kung magpopropose ka yung maganda. Yung mapapa Oo ako. Kasi ikaw lang naman ang lalaki na sasabihan ko ng Oo.

Tapos ngumiti na ulit siya.

Sige na nga. Takot ko nalang sayo.

Nandun lang kami kumakain, nag uusap ng kung ano ano. Wala na kaming magawa pero wala pa kaming balak umuwi. Ang ganda ng atmosphere eh. Hanggang sa may tumawag sa akin na unknown number.

Hello? Who's this?

Hello Dale! It's me Tanner!

Oh Tanner! Asan ka na? Sorry talaga the other day!

Wala yun.. ^__^
Ah nandito ako sa ibang bansa, may photoshoot kami eh.

OH? Wow naman!

Nga pala may iaalok ako sayo. Kung gusto mo lang naman. Kasi yung isang agency kinukuha akong model. Tapos kailangan pa ng isang girl model. Ayaw naman ni Manager Cora. Si Trixie nag aaral. Kaya naisip kita. Kasi alam kong gusto mo yung ganito eh. Pero kung ayaw mo okay lang naman. Sinasabi ko lang na kung gusto mo, contact mo lang ako. Malaki ang kita dito. Makakaipon ka. Kasi kapag pinasok mo ang mundo namin, mahirap ng makalabas. Pero hindi naman kita tinatakot. ^__^ yun lang sinabi ko lang sayo.. tawagan mo nalang ako kung yes or no.. bye!

Model? Napatigil talaga ako. Totoo ba ito? Bata palang ako pangarap ko ng maging model. Sobrang pangarap kaso..

Sino yun?

Ah si Tanner yun.

Ano daw kailangan niya?

Ah siya? Ano. Wala. Yung tungkol lang sa paper namin na ipapasa.

Ah.. yun ba?

Tapos kumain lang kami ni Edward. Kung si Mama, baka pumayag pa siya sa pagmomodel ko. Tapos home school tulad ng ginagawa ni Tanner. Pero si Edward siguradong hindi siya papayag.

Edward..

Oh?

Anong pangarap mo?

Ikaw.

Pwes, naabot mo na pala ang pangarap mo.

Mukhang enjoy siya sa kinakain niya. Ako naman mamamatay na sa kaba kung papayagan niya ba akong magmodel. Pero sige na game.

Edward.

Hmm?

Pag ba nagmodel ako papayag ka?

Napatigil siya sa pagkain.

Hindi.

Sabi ko na nga ba hay..

Bakit hindi?

Ayoko lang.

Bakit nga?

Kasi ayoko!

Seryoso. Penge reason.

Maymay una baka kung ano ang ipasuot sayo. Pangalawa maraming lalaki ang titingin sayo. Pangatlo mawawalan ka ng oras sa akin.

Pero paano kung pangarap ko yun? Kung yun yung gusto kong gawin?

Napatingin lang siya sa akin. Seryoso kami parehas. Kinakabahan ako.

Bakit magmomodel ka ba?

Huh? Hindi! Tinatanong ko lang.

Wag mo akong tanungin sa mga bagay na hindi naman pala mangyayari.

Hay.. sabi ko na nga ba.. tama na nga! Hindi ko nalang tatanggapin ang alok ni Tanner. Kahit na gusto kong magmodel. Mas gusto ko parin yung ganito yung magkasama kami ni Edward.

Maymay kung sa future, ganun ang gusto mong gawin. Pipigilan kita hanggang sa kaya ko. Ayoko kasing malayo ka sa akin. Lagi kong naririnig ang pagkasira ng relasyon ay dahil wala ng oras, o sa third party. Kapag nagmodel ka, madami kang makakatrabaho, mas mayaman, mas mabait at mas gwapo sa akin. Ayoko lang na masira tayo. Kasi ang gusto ko lang naman mangyari sa buhay ko, eh yung mapang asawa kita at mabuhay ng  matagal kasama ka.

Napatingin ako sa kaniya, seryoso siya. Nakatingin lang siya sa dagat habang sinasabi niya yun.

I just want to be with you for all my life, and share every moment with you, until my last breath.

Tumingin siya sa akin, ngumiti ako sa kaniya at..

*FIREWORKS* 🎇🎆🎇🎆🎇

Backhug kami ni Edward habang nakatingin sa fireworks. Ang ganda..

Maya maya may binulong si Edward..

Maymay i love you! ❤ Happy Valentine's Day! ❤

Tapos kiniss niya ang ulo ko.

➡ FAST FORWARD ➡

Pagkatapos ng Valentines Day, back to normal ang buhay namin ni Edward. Pumasok kami sa school, nagready sa finals at ngayon summer namin..

Si Tita Cathy umalis na muna ng bansa.

Si Heaven kasama si Tita Cathy sa pag alis ng bansa. Kaya kami ni Edward magkasama. Pero sa bahay namin talaga, hindi doon sa couple house.

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon