73

280 13 0
                                    

CHAPTER 73 ✨

Sanay akong sabihin na mahal ko si Marco pero parang ang weird. Mahal ko pa nga ba sya? Kung oo bakit ganito? Bakit ako nalilito? Sa mga sinabi ngayon ni Loisa dapat natutuwa ako dahil ako parin ang mahal ni Marco. Pero bakit.. imbis na matuwa naguguluhan ako? At nalulungkot? Siguro dahil kay Loisa dahila alam ko kung gaano kasakit ang makaramdam ng katulad sa nararamdaman nya.

Teka Loisa nung pumunta ako ng New York diba nakita ko kayo ni Marco na naghahalikan?

Dale that time, 4th year anniversary nyo diba at 18th birthday mo pa. Nag inom si Marco, siguro dahil may plano syang sabihin sayo ang lahat. Hindi nya nasabi sayo nung una dahil nasasaktan sya. Ayaw ka nyang mawala sa kanya. That time nakikita ko na umiiyak palihim si Marco. Ayaw nyang ipakita sa iba na nahihirapan sya sa desisyon nya. Mahirap at masakit. Pero kailangan. Hindi niya gusto kailangan niya. AT dahil doon nasasaktan sya. Umiiyak naglalasing.

Si Marco umiiyak? Naglalasing? Dahil sa akin? And yet nung nag break kami, i judged him kaagad na niloko nya ako. Hindi ko alam naparehas pala kaming nasasaktan. I'm sorry marco.

Dale noong araw na nakita mo kami. Hinalikan nya ako. Sa sobrang kalasingan akala nya ako ikaw! Sobrang sakit. Tapos pumasok ka sa pinto. Dinala ka nya palabas. Noong makita kita. Wala na. Ano pang panama ko. Maganda ka. Simple. Ang mga tipong magugustuhan talaga ni Matco. Sumunod ako sa inyo. Kahit na nasasaktan ako. Kaso nakita kong niyakap ka niya. AT nakita kong ngumiti ulit siya. Masaya ulit siya. Nainggit ako. Ako ang kasama nya, pero ikaw kahit ngayon ka lang ulit nya nakita nagibg masaya ulit sya. Pagkatapos nun, nakita nya ako. Lumungkot na naman sya. Inalis nya ang yakap nya sayo. Malamang dahil sa pumasok sa isip nya, nakapangako na siya sa akin. At kailangan kana niya iwan. Nakipagbreak siya at ayun nasamapal kita mostly dahil nga sa inggit at sobrang sakit na nararamdaman ko. Tapos sinuntok mo ako ng sobrang lakas akala ko nga nabungi ako nun, matindi ka pala talaga sumuntok Dale. Pero tama lang yun sa akin. Dale sana mapatawad mo ako. At sa panggugulo ko ng relasyon niyo.

Umiyak.

Yun lang ang nagawa ko. Wala ng iba. Gusto kong bumalik sa araw na yun para itama. Para wala mg masaktan.

Dale tanda mo ba ng sinabi ko sayo na Bulag ka. Pipi siya. Ako tanga. Ang ibig kong sabihin dun ay Bulag ka at hindi mo makita na mahal ka pa niya. Pipi siya kasi hindi niya masabi, at Tanga ako dahil alam ko na lahat pero nahulog pa ako at minahal ko din siya.

Yumakap na ulit siya sa akin. Ako naman umiyak din. Ang sakit maloko. Ang sakit maniwala sa mga bagay na akala mo iyon pero hindi.

Alamo kasi ang LOVE parang yosi lang yan eh? Alam naman nating masama ang yosi pero madami pading tao ang patuloy sa paghithit. May nagsasabi na titigilan na pero pag nandyan na di na mapigilan. Kahit na alamong masasaktan ka lang, sige ka lang. Just like falling inlove.

Parang walang sense yung payo ko ah? Umayos ka nga Dale! I'm in a state of confusion and hindi ko alam kung saan ako kakampi.

Dale mahal ko si Marco. Pero mahal ka niya. At mahal mo siya. Panggulo lang kami ni Edward dito pero parehas kaming nasasaktan dito. AT lahat tayo ngayon nasasaktan. Lahat tayo nahihirapan. Dale ang sakit sakit.

Hindi ko din al kung paano. Pero ramdam ko ang sakit. At ang gulo. At sobra akong nalilito ngayon.

Bakit si Edward masasaktan? Hindi ko alam ang mararamdaman. Masyadong masakit. Mahirap. Edward bakit ka nasasaktan? Pero kailangan kong malaman kung bakit nasasaktan si Edward.

Loisa bakit nasasaktan si Edward?

Hindi mo ba alam? Hindi mo ba nararamdaman? Sinasabi na nga ba masyado kang manhid Dale! Hindi mo ba alam na nasasaktan si Edward kasi ma---..

Ma??

Lagi nalang putol.. =______=

LOISAAAA!!!!

Naputol ang sasabihin ni Loisa kasi sumingit si Edward?

Kasama si Marco. Si Edward unti unti lumalapit sa amin. Galit siya. Hinawakan niya ang braso ni Loisa ng mahigpit.

Bakit mo sinabi? Bakit mo sinabi?

Inalog nya si Loisa. Hinawakan nya kasi sa dalawang balikat si Loisa. Sobrang lakas. Galit na siya. Nakakatakot siya.

Edward itigil mo nga yan!

Pinigilan ni Marco si Edward tapos inalis yung hawak nya kay Loisa. Ano ba itong si Edward kaloka!

Loisa are you okay?

I'm okay.

Kean ano bang problema mo? Bakit mo naman ginawa kay Loisa yun? Ano naman kung sabihin nya sa akin yun? I have the right to know!

Nakatalikod si Edward, tapos biglang humarap na malungkot ang mukha!

At masaya kana sa nalaman mo? Na mahal ka pa ni Marco? Sige Magsama kayo! Palagi namang siya diba? Kelan ba magiging ako Maymay? Kelan ba?

Tumalikod siya.

Isa lang ang napansin ko.

Pagtalikod niya may pumatak.

At alam kong luha yun.. 💧

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon